Super Typhoon papasok na sa Biyernes o Sabado, ‘Warning Signals’ posibleng itaas sa 3 probinsya –PAGASA

Super Typhoon papasok na sa Biyernes o Sabado, ‘Warning Signals’ posibleng itaas sa 3 probinsya –PAGASA

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

MATINDI ang pagbabantay ng PAGASA sa Super Typhoon Mawar na inaasahang papasok ng ating bansa bukas (May 26) o sa Sabado (May 27).

Huling namataan ang nasabing bagyo sa silangan ng Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging 185 kilometers per hour malapit sa gitna, at pagbugso ng hangin na aabot sa 239 kilometers per hour.

“Posible itong pumasok sa ating Area of Responsibility bukas ng gabi o Saturday ng umaga at papangalanan nga po natin itong si bagyong Betty,” sey ni Weather Specialist Ana Clauren-Jorda sa press briefing ngayong May 25.

Nilinaw ng weather bureau na bagamat wala pa itong epekto sa bansa ngayon ay nagbabala na ang ahensya na posible itong magkaroon ng malaking epekto sa Batanes, Babuyan Islands at Cagayan Valley.

Dagdag niya, “Makikita natin sa ating track na mapapanatili nito ang intensity at category bilang isang Super Typhoon hanggang sa pumasok at baybayin po nito ang ating karagatan.”

“Makikita na pasok ang Batanes, Babuyan Islands, pati na rin ang Mainland Cagayan o halos buong Cagayan Valley kaya hindi po natin inaalis ang posibilidad na magtaas po tayo ng warning signals sa mga areas po na ‘to dahil sila po ‘yung posibleng maapektuhan o direktang maapektuhan ng binabantayan nating si bagyong Mawar na magiging si Betty,” saad pa niya.

Baka Bet Mo: PAGASA: ‘Ang pagpasok ng bagyo ay posibleng hudyat ng pagsisimula ng panahon ng tag-ulan’

Kung maaalala, una nang binanggit ng PAGASA na papangalanang “Betty” ang bagyo sakaling pumasok na ito ng ating teritoryo.

Base rin sa forecast ng ahensya, inaasahang palalakasin ng bagyo ang Southwest Monsoon o Habagat sa western section ng Southern Luzon, Visayas, pati na rin sa ilang bahagi ng Mindanao kaya posible ang malalakas na pag-ulan.

Sa ngayon, ang tinatawag na “Southwesterly Windflow” ang nagdudulot ng mga ulan sa Occidental Mindoro, Palawan, Western Visayas, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN, Zamboanga Peninsula, at BARMM.

Fair weather condition naman ang asahan sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng bansa ngayong araw, pero posible rin ang panaka-nakang pag-ulan pagdating ng hapon at gabi.

Read more:

Malisyosong basher sunog na sunog kay Nadine: Of course I’m worried + para kang t*nga!

Read more...