ISA ang Kapamilya singer-actress na si Regine Velasquez sa mga naapektuhan matapos lamunin ng apoy ang Manila Central Post Office.
Matatandaang nitong Linggo, May 21, agad na nag-trending ang Manila Central Post Office matapos ang pagkakasunog ng lugar.
Makalipas ang isang araw ng insidente at ay nagbahagi si Regine sa kanyang kalungkutan sa nangyari.
Dito ay binalikan ng Asia’s Songbird ang isa sa kanyang mga pelikula na “Ikaw Lamang Hanggang Ngayon” kung saan gumanap siya bilang postal clerk sa Central Post Office.
“Ano na kaya mangyayari kay Katherine at sa iba pang naging bahagi ng Manila Central Post Office?” sey ni Regine sa caption kalakip ang larawan niya na kuha mula sa pelikula.
Baka Bet Mo: 7 sugatan, P300M halaga ng pinsala sa nasunog na Manila Central Post Office – BFP
Chika pa ng “Magandang Buhay” host, naging bahagi na rin ng kanyang buhay ang naturang lugar.
“Naging bahagi ng buhay ko ang Post Office. Napasok ko at nakakilala rin ng mga kaibigan doon. The Manila Central Post Office was a Historical landmark it’s so sad that this happened,” lahad ni Regine.
Maging ang asawa niyang si Ogie Alcasid ay malungkot rin sa sinapit ng Central Post Office.
“Nagshooting din ako dyan para sa video natin,” lahad ng asawa ni Regine.
Comment naman ng isang netizen, “Yas Ate Reg, actually ikaw ang naisip ko nung nabalitaan ko nasunog.. Ung movie nyo, one of my fave movies..”
“Your image while stamping the envelopes was the one I remembered yesterday when I saw the news,” sey naman ng isa.
Taong 2002 nang ipalabas ang “Ikaw Lamang Hanggang Ngayon” na pinagbidahan ni Regine at Richard Gomez.
Related Chika:
Morissette Amon ‘rightful successor’ nga ba ni Regine Velasquez?
Wish ni Ogie Alcasid para kay Regine Velasquez: May you be worry-free and stress-free!