Bagong national contest walang swimsuit competition

Bagong national contest walang swimsuit competition

Newly-crowned Miss Supranational Philippines Pauline Amelinckx at Empire Philippines Head Jonas Gaffud/ARMIN P. ADINA

ISANG bagong national competition ang ilulunsad sa isang buwan, at ibang iba ito sa napakaraming pageants na nakasanayan na ng mga Pilipino. Una, wala itong swimsuit segment na siyang inaabangan ng marami sa halos lahat ng mga patimpalak na itinatanghal sa iba’t ibang panig ng bansa.

“There will be no swimsuits on stage,” sinabi ni Empire Philippines Head Jonas Gaffud sa Inquirer sa isang online interview nang tanungin tungkol sa bagong “The Miss Philippines Fashion and Beauty Pageant” na ilulunsad ng pangkat niya sa isang buwan.

Gayunpaman, maaari pa ring magsuot ng bathing suits ang mga kandidata kung may photoshoots o ibang gagawin sa beach o swimming pool, agad niyang nilinaw. Sinabi niyang nagpasya silang huwag magkaroon ng swimsuit contest sa mismong competition stage sapagkat, “this is more educational. We are looking for a speaker and good ambassador for the global Filipino.”

Inilahad pa ni Gaffud: “This will not be your usual pageant. We will promote food, local businesses, and our culture around the world.”

Sinabi niyang pandaigdigan na ang magiging saklaw ng paligsahan dahil sa paglahok ng mga pamayanang Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo. “And within the Philippines, the contestants will be global,” dinagdag pa ni Gaffud.

Baka Bet Mo: Michelle Dee pinainit ang socmed sa pasabog na sexy photo para sa 2022 Miss Universe PH swimsuit challenge

Sinabi niyang “third generation” na ng mga Pilipino ang umuukit ng pandaigdigang yapak ng bansa, kaya napagtanto niyang nararapat na talagang maging pandaigdigan ang pagtatampok sa kultura, tradisyon, at pamana ng bansa.

“Koreans were able to promote their culture through K-Pop and K-dramas. This is my contribution to promote ours to the world,” pahayag ni Gaffud. Ibinahagi rin niyang pinagmumuni-munihan na niyang tanggalin ang mga salitang “pageant” at “beauty” sa pamagat ng patimpalak. “So as not to be superficial, and be more inclusive,” ipinaliwanag niya.

Ilalabas ang iba pang mahahalagang impormasyon kaugnay ng bagong pambansang kumpetisyon sa isasagawang paglulunsad sa isang buwan.

Isang insider ang nagsabing pipiliin sa bagong kumpetisyon ang mga susunod na kinatawan ng bansa sa Miss Supranational at Miss Charm pageants. Hinirang na sina Pauline Amelinckx at Krishnah Gravidez, kapwa nasa final five ng 2023 Miss Universe Philippines pageant, bilang mga pambato ng basa sa nasabing mga pandaigdigang patimpalak.

Babandera sa ika-14 Miss Supranational pageant sa Poland sa Hulyo si Amelinckx, na tatlong ulit na sumali sa Miss Universe Philippines, habang sasabak naman si Gravidez sa ikalawang Miss Charm contest sa Vietnam sa isang taon.

Related Chika:
#PakGanern: Bb. Pilipinas 2022 candidates kabugan ang laban sa pasabog na swimsuit photos

Pinoy wagi sa Man Hot Star International contest sa Thailand

Read more...