Konsehal sa QC inireklamo ang GMA reporter na nagbalita ng sunog sa Tandang Sora: Nawalan na kami ng pamilya, nagdagdag pa kayo ng pasakit

Konsehal sa QC inireklamo ang GMA reporter na nagbalita ng sunog sa Tandang Sora: Nawalan na kami ng pamilya, nagdagdag pa kayo ng pasakit

PHOTO: Facebook/Doray Delarmente

NAGLABAS ng sama ng loob sa social media ang isang konsehal ng Quezon City na si Doray Delarmente.

Ayon sa kanyang Facebook post, ito ay dahil sa reporter ng GMA News na si Jamie Santos na nagbalita umano ng “fake news” sa nangyaring sunog kamakailan lang.

Kung maaalala, isa ang nakumpirmang patay at isa rin ang sugatan matapos masunugan ang isang residential house sa may Barangay Tandang Sora.

Sabi ni Doray, nagluluksa siya ngayon sa nasawing tiyuhin dahil sa nasabing insidente, ngunit hindi niya palalagpasin ang ginawang pagre-report ni Jamie.

“I am in mourning. I am sad. I am in so much pain,” panimula ng kanyang caption.

Sey pa niya, “PERO HINDI KO ITO PALALAMPASIN GMA NEWS…. more particularly SAKSI & Reporter Jamie Santos!”

Baka Bet Mo: Baron muling ibinandera ang pagmamahal kay misis: Happy birthday…many more years to come, love you sweetheart!

Bukod sa naging fake news ang ibinalita ng nasabing reporter, inilarawan din ng konsehal si Jamie na iresponsable at insensitive.

Saad niya sa FB post, “Jamie Santos, you reported na ‘lumabas yung senior citizen, at bumalik ulit ng bahay.’ For the record, and based on all the witnesses na kasama sa bahay… HINDI SIYA NAKALABAS NG BAHAY.”

“My uncle, Retired Police Brig General George Ancheta, died inside… and HE DIDN’T HAVE A CHANCE TO GET OUT OF HIS HOUSE,” patuloy niya.

Lahad pa niya, “Your FALSE REPORTING has been causing so much pain in our family. SO. MUCH. PAIN.”

Ipinaliwanag din sa nasabing post kung bakit naging iresponsable at insensitive si Jamie

“You reported that my uncle DIED on LIVE TV….without even confirming if alam na ng pamilya!,” saad niya.

Dagdag pa niya, “‘Yung kasambahay namin na si Andrew ay nakita 2 hours after the fire dahil na trap sa likod ng bahay. Lumabas na basang basa, may mga sunog sa katawan, sunog ang damit at nagka-smoke inhalation…TAPOS BIGLA MONG ISASALANG SA LIVE INTERVIEW???”

“May trauma pa ‘yung tao. Tuliro. Wala sa sarili. Lutang. Sa tingin mo makakakuha ka ng tamang impormasyon sa kanya?,” pagkuwestyon niya sa reporter.

“Nawalan na kami ng kapamilya…tapos nagdagdag pa kayo sa pasakit na nararamdaman namin,” sabi sa post.

Ani pa niya, “I am airing this out because I WANT YOU TO RECTIFY YOUR MISTAKE. At sana… huwag niyo na itong uulitin sa ibang mga pamilya.”

Related Chika:

Read more...