Valerie Concepcion inaming sinubukang kausapin ang ama ng panganay na anak pero…

Valerie Concepcion inaming sinubukang kausapin ang ama ng panganay na anak pero...
NAKARAMDAM ng kirot sa puso ang aktres na si Valerie Concepcion matapos niyang malaman na hinahanap ng kanyang panganay na anak ang ama nito.

Sa kanyang panayam sa “Fast Talk With Boy Abunda” ay natanong ang aktres kung meron man siyang ihihingi ng tawad sa panganay niyang si Heather ay ano ito.

Dito nga ay nagsimula nang maging emosyonal si Valerie at sinabing nais niyang mag-sorry sa anak dahil hindi niya naibigay rito ang isang kumpletong pamilya.

“Mag-so-sorry ako kasi she’s 18 now and may time na hinahanap niya ‘yung tatay niya, so siguro ang iso-sorry ko is ‘yung hindi ko nabigay sa kaniya ‘yung normal na family,” saad ng aktres.

Pagkukwento pa ni Valerie, pinilit naman daw niyang maging ama sa kanyang anak para hindi ito makaramdam ng kakulangan sa pamilya ngunit nasaktan pa rin siya nang hanapin ng anak ang kanyang ama.

“I try so hard to be a mom and dad to her. Actually it pains me nung nalaman ko na hinahanap niya ‘yung tatay niya kasi parang feeling ko hindi ako enough,” pagbabahagi ng aktres.

Baka Bet Mo: Mike Tan, Valerie Concepcion biglang nagbago ang buhay mula nang magkaanak: ‘Hindi na lang ‘yung sarili mo ang iniisip mo’

Dagdag pa niya, “Hindi ko nabigay ‘yung lahat para hanapin niya pa ‘yung tatay niya but now I understand.”

Giit ni Valerie, naiintindihan naman daw niya ang anak at kahit pa hanapin nito ang ama ay paniguradong hindi naman mababawasan ang pagmamahal nito sa kanya.

“Of course, it doesn’t make her love me less just because she is looking for her father. She just really wants to know where she came from, her roots, and her story so now I understand that,” sey ni Valerie.

Pag-amin pa ng aktres, nag-reach out sita sa tunay na ama ni Heather para magkaroon ng chance na magkita ang dalawa ngunit wala siyang natanggap na response mula rito.

“We tried reaching out, I tried telling him na, ‘Our daughter is ready to meet you,’ but I didn’t get a response sadly,” lahad ni Valerie.

Sa ngayon ay mapapanood ang aktres sa bagong Kapuso teleserye na “The Seed of Love” kasama sina Mike Tan at Glaiza De Castro.

Related Chika:
Kampo ni Valerie Concepcion may nilinaw sa lumabas na chika tungkol sa kanyang pagbubuntis

Valerie Concepcion nakatanggap ng bonggang Mother’s Day gift, buntis sa unang anak nila ni Francis Sunga: ‘God has given us our little answered prayer’

Read more...