3-Team Trade sa PBA By: Barry Pascua - 11 years ago MULING makakasama ni Mark Cardona ang kanyang dating La Salle coach matapos na ipamigay siya ng Meralco sa Air21 sa isang three-team trade na nakumpleto kahapon. Si Cardona ay nasa trading block sa kabuuan ng Governors’ Cup at natuloy ang pagpapamigay sa kanya kasama ni Nonoy Baclao sa isang three-team deal na inaprubahan ni PBA Commissioner Chito Salud. Nagsimula ang rigodon ng mga manlalaro nang ipamigay ng Talk ‘N Text sa Air21 si Rabeh Al-Hussaini kapalit ni Rob Reyes at ng 2015 second round pick ng Express. Matapos ito’y ipinamigay ng Air21 sina Al-Hussaini at Nelbert Omolon sa Meralco kapalit nina Cardona at Baclao. Sa huling yugto ng deal ay kinuha ng Talk ‘N Text sina Baclao at Eric Salamat buhat sa Air21 kapalit nina Pamboy Raymundo at Riego Gamalinda. Sa Air21 ay makakasama muli ni Cardona si coach Franz Pumaren na natuwa sa kanilang reunion dahil sa magkakaroon ng katulong si Niño Canaleta sa scoring department. Magkakasama ring muli sina Cardona at Paul Asi Taulava na nakuha ng Air21 buhat sa Meralco noong nakaraang buwan. Patuloy namang pinatangkad ni Meralco coach Paul Ryan Gregorio ang kanyang lineup sa pagkakakuha kay Al-Hussaini na mas mahusay na rebounder kaysa kay Baclao. Hindi na kinailangan pa ng Meralco ang serbisyo ni Cardona dahil sa nakuha nito ang three-time scoring champion na si Gary David kasama ni AJ Mandani buhat sa Global Port kapalit nina Chris Ross at Chris Timberlake noong nakaraang linggo. ( Photo credit to INS ) READ NEXT‘Mission’ ng INC may mensahe sa Palasyo MOST READ Greenhills Shopping Center stays on US watch list Yap’s lawyer seeks gag order on Pepsi Paloma movie details Aussie who says she’s Marcos half-sis appears in Sydney court UP Open University offers online courses for free for 2025 Sans Hollywood wealth, other LA fire survivors feel forgotten LATEST STORIES PH Coast Guard notes Chinese vessels’ erratic movements in WPS Japan foreign minister to visit PH CFO condemns murder of Filipina in Slovenia US stocks plunge on solid jobs report DA sets imported rice price cap at P58/kg Read more...