Gabbi Garcia inaming si Khalil Ramos na ang ‘the one’: As in no questions, no doubt!

Gabbi Garcia inaming si Khalil Ramos na ang ‘the one’: As in no questions, no doubt!

PHOTO: Instagram/@gabbi

PARA sa aktres na si Gabbi Garcia, ang kanyang dyowa na aktor na si Khalil Ramos na ang kanyang “the one.”

Ito ang inamin ng aktres sa naging interview kasama ang King of Talk na si Boy Abunda kamakailan lang.

As of this writing ay anim na taon ng magkarelasyon sina Gabbi at Khalil at ayon sa aktres, napag-uusapan na nilang dalawa kung paano mapanatili ang kanilang relasyon.

“Of course we talked about it. I mean, I’m not gonna lie, all of the relationship is to sustain it,” sagot ni Gabbi kay Tito Boy matapos tanungin kung si Khalil na ang makakasama niya sa buong buhay niya.

Dagdag pa ng aktres, “Yes! Of course. As in no questions, no doubt.”

Baka Bet Mo: Gabbi Garcia gustung-gusto ang ginagawa ni Khalil Ramos sa daliri niya kapag magka-holding hands, ano kaya yun?

Sa tanong naman ng batikang TV host kung naniniwala si Gabbi sa “destiny.”

Mabilis na sagot ng aktres, “I do believe in destiny.”

“Because I would remember my mom would always tell me, especially when I was younger, lalo na kapag nare-reject ako, kasi lagi akong nare-reject ‘nung bata ako Tito Boy kasi hindi ako masyadong magaling ‘nung bata ako,” chika niya.

Paliwanag pa niya, “Pero my mom would always tell me, ‘kung para sayo, para sayo.’ So for me, that’s destiny.”

Nabanggit pa nga ni Gabbi na hindi nagiging hadlang sa kanilang relasyon ni Khalil kung sakaling may ibang katambal sa isang proyekto.

Pareho, aniya, nilang naiintindihan na parte lang ito ng kanilang trabaho kaya walang isyu ito sa kanilang dalawa.

“Number one, hindi seloso si Khalil talaga, Tito Boy, and I’m grateful for it,” sambit ni Gabbi.

Patuloy niya, “I’m really, really grateful for it because he understands. Because he’s also an actor. Not just an actor, he’s a very good actor, and he really understands.”

Sey pa niya, “’Yun ang isa sa mga pinakamasuwerte ako. And I’m really, really blessed because never s’ya naging conflict sa relationship namin at all.”

Related Chika:

Hidilyn: Aaminin ko nabuhay ako with doubts, takot at anxiety sa puso ko…

Read more...