Tom Cruise bibida ulit sa ‘Mission: Impossible’ makalipas ang 5 taon

Tom Cruise bibida ulit sa 'Mission: Impossible' makalipas ang 5 taon

PHOTO: Courtesy Paramount PIctures

MAY buwis-buhay na pelikula nanaman ang iconic action star na si Tom Cruise!

Makalipas kasi ang limang taon, muli siyang bibida sa iconic film na “Mission: Impossible” at ang pamagat ng bagong kabanata nito ay “Dead Reckoning Part One.”

Mapapanood sa bagong trailer ng pelikula na panibagong kasaysayan pagdating sa pinakadelikado na “action stunts” na ginawa ni Tom.

Ito ay ‘yung tumalon siya sa pinakamataas na bangin ng Norway habang nakasakay sa isang motorsiklo.

Kung maaalala, nauna nang ibinahagi ni Tom na dream come true na magawa ang ganitong klaseng stunt.

Sey ng Hollywood actor, “This is far and away the most dangerous thing we’ve ever attempted.

Baka Bet Mo: Tom Cruise ‘buwis-buhay’ sa bagong ‘Mission Impossible’ movie, ginawa ang pinaka delikadong stunt

“We’ve been working on this for years, and we’re going to shoot it in Norway and it’ll be a motorcycle jump off a cliff into a base jump.”

Patuloy pa niya, “I want to do it since I was a little kid. It all comes down to one thing, the audience.”

Bukod kay Tom, tampok din sa bagong “Mission: Impossible” film sina Ving Rhames, Simon Pegg, Rebecca Ferguson, Vanessa Kirby, Hayley Atwell, Shea Whigham, Pom Klementieff, Esai Morales, Henry Czerny, Rob Delaney, Cary Elwes, Indira Varma, Mark Gatiss, Charles Parnell, Greg Tarzan Davis, at Frederick Schmidt.

Nakatakdang ipalabas ang “Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One” sa mga lokal na sinehan sa darating na July 12.

Related Chika:

Read more...