Pakiusap ni Michelle Dee sa lahat ng kumontra sa pagkapanalo niya bilang Miss Universe PH 2023: ‘Let’s just choose to be kind and spread love’

Pakiusap ni Michelle Dee sa lahat ng kumontra sa pagkapanalo niya bilang Miss Universe PH 2023: 'Let's just choose to be kind and spread love'

Michelle Dee

COOL na cool na sinagot ng Kapuso actress na si Michelle Dee ang tanong tungkol sa mga taong nagsasabi na hindi siya deserving manalo bilang Miss Universe Philippines 2023.

Sa tuwing may namba-bash at nangnenega sa kanya, mas pinipili raw ni Michelle ang magpakapositibo at intindihin ang mga taong nambabato ng masasakit na salita laban sa kanya.

Ayon sa anak ng aktres at dati ring beauty queen na si Melanie Marquez, palagi niyang pinipili ang magpakabuti kesa maging mapagpatol tulad na lang ngayong nakakatanggap siya ng maaanghang na salita nang tanghaling Miss Universe Philippines 2023.


Sa guesting ni Michelle sa se episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” last May 16, natanong nga siya kung ano ang nararamdaman niya ngayong pinagsasabong pa rin sila ng mga nakalaban niya sa pageant.

“Honestly, I just wish people realize that we are sisters in pageantry, especially me and Pauline (Amelinckx, Miss Supranational Philippines 2023), we spent the whole year together because we were both in the same reigning queen batch,” pahayag ni Michelle.

Baka Bet Mo: Maxene Magalona game na game na nagpa-tarot card reading: It’s just a fun and cool way of asking signs from the Universe…

Aniya, hindi talaga maiiwasan kahit saan at kahit anong pagkakataon ang bashing dahil naging bahagi na nga ito ng buhay ng ilang Filipino lalo na sa social media.

“It’s honestly inevitable because fans come there supporting their bets, they come in there thinking that the rage or their anger can change results, but it can’t.

“So, if ever we’re in a position to make changes, let’s just choose to be kind and spread love. That’s what I always tell my fans, be kind and always spread love,” pahayag pa niya.

Samantala, sikat na sikat na ngayon ang kanyang viral “snake walk” sa nakaraang grand coronation night ng Miss Universe Philippines pageant na inspired daw ng naging lakad noon ng nanay niyang si Melanie Marquez sa Miss International 1979.

“When she models, hindi siya tumitigil, that’s something I take inspiration from.


“One of my good friends and favorite photographers, Doc Marlon, he was like, ‘That’s what your mom does, she never stops giving the camera something,’” chika pa ng aktres.

Sa panayam ng “Unang Hirit” sa dalaga, sinabi niyang hindi sa kanya nanggaling ang “snake walk” kundi sa mga taong sumubaybay sa kanyang pageant journey, “Hindi nanggagaling sa queen ‘yung name, masa ang nagne-name ng walk.”

Bukod kay Michelle, ang iba pang nakasungkit ng titulo at korona ay sina Christine Opiaza (Zambales), first runner-up; Angelique Manto (Pampanga),  second runner-up; Krishnah Gravidez (Baguio), Miss Charm Philippines; at Pauline Amelinckx (Bohol), Miss Supranational Philippines.

Anne Curtis ‘hot momma’ pa rin sa edad na 38, binati ni Jasmine: You are what I am most grateful for in life

Nikki Valdez sa haters: Hindi naman natin kailangang mag-away-away, ‘wag po tayong mangutya

Read more...