Matteo sa relasyon niya sa mga magulang ni Sarah: ‘I just wish one day everything will be OK’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo
HINDI man diretsahang inamin ni Matteo Guidicelli, mukhang hindi pa rin okay hanggang ngayon ang relasyon niya sa mga magulang ng kanyang misis na si Sarah Geronimo.
Ayon kay Matteo, palagi niyang hinihiling at ipinagdarasal na sana’y dumating din yung araw na maging maayos na ang lahat sa pagitan nila nina Divine at Delfin Geronimo.
Sa panayam sa kanya kahapon ng “Fast Talk with Boy Abunda”, napag-usapan nga ang estado ng relasyon ng TV host-actor sa kanyang mga in-laws at dito sinabi ni Matteo na iginagalang at nirerespeto pa rin niya ang mga ito.
Tanong ni Tito Boy kay Matteo, “You and Sarah drove one time to the village of Tatay Delfin and Mommy Divine. Hindi raw kayo pinapasok sa gate dahil may instructions na hindi kayo puwedeng pumasok sa bahay ng inyong in-laws?
“First of all, is that a true story? Second question is how is your relationship with your parents in law?”
“Unang-una Tito Boy, they are my mom and dad, my father-in-law, and my mother-in-law and I want to respect them in the best way possible,” sagot ni Matteo na hindi direktang sinagot ang unang question sa kanya.
“I just wish one day everything will be okay because I know how much they love Sarah and I know how much Sarah loves them, too,” pahayag pa ni Matteo.
Ang next question ni Tito Boy ay, “Nasaan ngayon ang inyong relasyon? Are you guys talking? Are you doing conversations? Are you civil?”
Tugon ng husband ni Sarah, “We’re civil I would like to believe Tito Boy and I pray every day for strength, wisdom, and humility na hopefully one day maging okay ang lahat for Sarah’s peace of mind.”
Sinabi rin ni Matteo na nag-uusap pa rin sina Sarah at parents nito, “Yes, they have a connection naman and I think Sarah’s humility would always be love for her parents.
“At the end of the day, It’s just so important to realize how much we should honor our parents through thick and thin, whatever happens in life, they are our parents, and they brought us to life and we have to honor them,” sabi pa ng aktor at bagong host ng “Unang Hirit.”
“Talagang she did a tribute for the dad and mom during the show. It was so touching. It was so beautiful. The whole Araneta was crying kumbaga. It was so nice,” lahad pa ng aktor.
Sa bandang huli ng panayam ni Tito Boy kay Matteo ay muling niyang tinanong ang tungkol sa chikang hindi raw sila pinapasok ni Sarah sa bahay nina Mommy Divine.
“Nakalimutan ko na Tito Boy, e,” ang napangiting tugon ni Matteo. Kaya tinanong uli siya ng TV host kung totoo ba ito?
“There’s several instances. But, you know, to speak about it in details, it’s best to keep it private parang respect to them ba? They’re my in-laws and I wish to love them, I wish to love them for Sarah’s sake. For the family’s sake,” pahayag pa ng aktor.