AABOT sa 13 na lugar ang nasa “danger” level pagdating sa naitalang heat index ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Para sa kaalaman ng marami, umaabot sa dangerous level kung ang “heat index” sa isang lugar ay umaabot na sa 45°C hanggang 51°C.
Kung hindi pa kayo masyadong aware, ang heat index ay ang init na nararamdaman sa katawan ng tao.
Ang mga nasabing temperatura ay posibleng magdulot ng heatstroke sa isang tao.
Base sa datos ng PAGASA, kabilang sa mga lugar na nasa danger level ay ang mga sumusunod:
Baka Bet Mo: Knows n’yo na ba kung paano maiiwasan ang ‘heatstroke’ lalo na ngayong tag-init?
-
Butuan City, Agusan Del Norte (43°C)
-
CLSU Munoz, Nueva Ecija (43°C)
-
Dagupan City, Pangasinan (43°C)
-
Davao City, Davao Del Sur (42°C)
-
Dipolo, Zamboanga Del Norte (47°C)
-
Laguindingan Airport, Misamis Oriental (42°C)
-
Laoag City, Ilocos Norte (42°C)
-
Legazpi City, Albay (43°C)
-
Masbate City, Masbate (43°C)
-
NAIA Pasay City, Metro Manila (43°C)
-
Roxas City, Capiz (42°C)
-
Zamboanga City, Zamboanga Del Sur (42°C)
Matatandaang nitong Marso nang inanunsyo ng weather bureau ang pasimula ng panahon ng tag-init.
Dahil diyan, ilang beses nang nagpapaalala sa publiko ang PAGASA na umiwas sa tinatawag na “heat stress” na posibleng magdulot ng “heatstroke.”
Ayon sa Department of Health (DOH), isa itong malubhang karamdaman na tumataas ng sobra ang temperatura ng katawan na dulot ng matagal na exposure sa mataas na temperatura.
Ilan sa mga madalas tamaan ng ganitong klaseng sakit ay ‘yung mga taong nagtatrabaho sa ilalim ng araw.
Sinabi ng DOH na mataas ang insidenteng magka-heatstroke kapag nasa mainit at maalinsangang panahon na may kasamang mabigat na ehersisyo, labis na pagkawala ng tubig sa katawan, at labis na pagkabilad sa araw.
Read more:
MMDA nagbigay ng 30-minute ‘heat stroke break’ sa mga field personnel