Teacher Georcelle nagsalita na sa isyu ng G-Force at ni Sarah: ‘It’s like a break up…parang loveteam kami for 16 years’

Teacher Georcelle nagsalita na sa isyu ng G-Force at ni Sarah: 'It’s like a break up...parang loveteam kami for 16 years'

Georcelle Dapat-Sy at Sarah Geronimo

“SHE’S looking for growth as an artist and as a person. She wants to try other things.”

Yan ang bahagi ng paliwanag ni Teacher Georcelle Dapat-Sy tungkol sa mga kumakalat na chika sa pagitan ng kanyang grupong G-Force at ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Nabalita kasi na may tampuhan umano si Teacher Georcelle at si Sarah G kaya wala raw ang G-Force sa naganap na 20th anniversary concert ng singer-actress last Friday, May 12, sa Araneta Coliseum.

Sa panayam ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz kay Georcelle na mapapanood sa “Showbiz Update”, sinagot nito ang mga bali-balita na may samaan sila ng loob ni Sarah G na naging dahilan kung bakit hindi sila nag-participate sa concert nito.


Nagpaliwanag din si Teacher Georcelle tungkol sa pagpapadala raw niya demand letter sa Viva Entertainment (ang talent management ni Sarah) para sa P150,000 kabayaran sa bawat choreography na gagamitin ni Sarah  kanyang concert, kanilang na nga riyan ang “Tala”..

“We’ve been training her and G-Force have been dancing with her for 16 years. She’s looking for growth as an artist and as a person. She wants to try other things.

“There were artistic differences and I wanna support her as she embarks on this new chapter even if it means stepping out for a while,” ang mensahe ni Georcelle kay Ogie Diaz.

“Mama Ogs, I did everything out of love and respect for her as an artist and a friend. Parang love team kami for 16 years, but this year gusto niya to try other things.

“This process was painful for G-Force. Most of them cried, especially the choreographers who have been training hard to bring out the best in her. It’s like a break up,” ang bahagi pa ng pahayag ni Georcelle na ipinadala niya kay Papa O.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin pumalag kay Dawn Chang; humingi rin ng public apology

Patuloy pa niyang paliwanag, “SG wants something else, I want her to exercise that artistic freedom. But it’s also my right to exercise my artistic freedom. I had to pull out two months ago in March.

“Of course my team will always understand and respect my decision. This is me encouraging SG to experience that creative freedom and to be the ultimate decision maker in producing and directing her 20th anniversary concert,” paliwanag pa ni Teacher Georcelle.


Ito naman ang depensa niya tungkol sa umano’y demand letter at paniningil niya sa Viva sakaling gamitin sa concert ni Sarah ang choreography ng G-Force, “Mama Ogs, OMG. Demand? Why will I demand? Wala ako sa position to demand for anything especially when no work is delivered but I can quote for the price of the use of my copyrighted works.

“I sent a personal letter, not a demand letter. I did not demand. Not being a part of her 20th is my gift of freedom so she can fully express her creative dreams,” aniya pa.

Samantala, nabanggit din ng dance choreographer na nagkausap pa sila ni Sarah sa mismong araw ng concert nito sa pamamagitan ng chat, “Our relationship should be okay and not be affected by public opinion.”

Lolit Solis kay Dawn Chang: Baguhan ka magde-demand ka ng apology?

Erwin Tulfo may babala sa mga ayaw magsustento sa mga anak: Sa korte ang bagsak mo

Read more...