NGAYONG ipinagdiriwang natin ang Mother’s Day, ibinahagi ng aktres na si Gabbi Garcia ang kanyang sikreto upang magkaroon ng “healthy relationship” sa inyong mga mommy.
Ayon kay Gabbi, ang pinakamaganda ay gawing parang bestfriend o kabarkada ang inyong mga ina.
Sinabi pa ng aktres na walang perpektong relasyon, ngunit importante pa rin na bigyan natin ng pagmamahal at respeto ang ating mga ina.
“I treat her like my Bestie or barkada, but also as the woman who has made my life possible,” sey niya sa inilabas na pahayag ng online shopping app na Lazada.
Para sa kaalaman ng marami, si Gabbi ang nagsisilbing brand ambassador ng LazBeauty at sa pamamagitan nito ay ibinunyag niya na ang kauna-unahan niyang “Beauty Bestie” ay ang kanyang ina na si Tes Lopez.
Nakwento pa ni Gabbi na ang kanyang ina ang naging dahilan kung bakit natagpuan niya ang “best version” ng kanyang sarili.
Hanggang sa huli raw ay todo-suporta na ang nakukuha niya sa kanyang Mommy Tes.
“She’s a big part of who I am now, her presence alone has shaped my values, how I treat other people, and how I balance my time,” sey ni Gabbi.
At bilang pasasalamat daw sa kanyang mahal na ina ngayong Mother’s Day, sinorpresa niya ito ng skin care products.
Inamin pa ng Kapuso actress na maliit na bagay lang itong ibinigay niya kumpara sa sakripisyo ng kanyang ina, ngunit alam niya na matutuwa na rito ang kanyang Mommy Tes.
“I got her skincare products from LazBeauty, we both love skincare and kaartehan!” saad ng aktres.
Related Chika:
Tito Sen ibinuking ang ‘sikreto’ ni Bossing: Yun ang kauna-unahang napaiyak ako ni Vic!