SINIGURADO ng fashion icon at influencer na si Heart Evangelista na maayos na maayos na sila ng mister na si Senador Chiz Escudero.
Hindi na idinetalye ni Heart kung ano ang naging problema ng mag-asawa noong nakaraan, pero ibinahagi niya sa programang “Fast Talk with Boy Abunda” ang kanyang mga natutunan sa buhay.
Ayon pa sa fashion icon, normal lang sa isang relasyon na dumaan sa ilang mga problema.
Hindi lang daw ito sa mga mag-asawa, kundi pati na rin sa mga kaibigan, katrabaho at pamilya.
“You know, I feel like at the end of the day, not just with marriages, friendships, with people you work with, everybody goes through problems,” sey niya.
Baka Bet Mo: Heart Evangelista luxury bag ang gamit pang-grocery, netizens naloka: ‘Sinampal na naman po tayo ng kahirapan’
Dagdag pa niya, “And I felt that as an individual, even if you’re married or even if you’re committed to someone or a friend, you really have to go through certain things and deal with them alone and really ponder about what you want in life.”
At ang nagustuhan, aniya, niya sa kanyang mister ay all-out support daw ito sa kanyang mga pinagdadaanan sa buhay.
Ito raw ang dahilan kaya naaayos parati ang kinakaharap nilang problema bilang mag-asawa.
Chika ng influencer, “The nicest thing about being in a marriage with Chiz is that he’s always respecting the many seasons of my life that I’m going through.”
“Again, just like what I said with my parents, people can’t expect me to fast forward the chapters of my life just why I can understand where they’re at,” patuloy niya.
Kwento pa niya, “Chiz and I, you know, he’s 15 years older than me. I’m a late bloomer and there’s some things I just discovered and that’s why it works because he’s so supportive. And I really appreciate him because of that. His love is very unconditional, that’s why we’re okay.”
Kung maaalala, noong 2022 ay matagal-tagal ding naging headline sina Heart at Chiz matapos kumalat ang balita na hiwalay na sila.
Napagbintangan pa nga noon na nambabae umano ang senador kaya iniwan siya ng kanyang misis.
Ngunit natuldukan naman ang tsismis na ‘yan sa pagpasok ng 2023 dahil nag-post si Heart ng mga litrato nila ni Chiz na magkasama sa kanilang bahay.
Related Chika:
Sunshine nagpasalamat sa dating asawa: Nadapa ako at nagkamali, pero naging mabuti siyang tatay