‘Hakot Queen’ Pauline Amelinckx malakas ang laban sa Miss Universe PH 2023; Michelle Dee masungkit na kaya ang inaasam na korona?

ISA sa mga inaasahang lalaban ng pangmalakasan sa gaganaping grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2023 ay si Miss Bohol Pauline Amelinckx.

 Ito’y matapos nga siyang bansagang “Hakot Queen” sa naganap na Miss Universe Philippimes preliminaries last May 10 na ginanap sa grand ballroom ng Okada Manila sa Parañaque City. 

Nakuha kasi ng dalaga ang 10 special awards kabilang na ang Miss Creamsilk Ultimate, Miss Soen, Miss Kemans Body, Miss Origee Beauty Drink by Skin Magical, at Miss Hello Glow.

Siya rin ang itinanghal na Miss Jojo Bragais, Miss Titan Universe, Miss Enderun, Miss Smilee Apparel, at Miss Avana. 

Marami ang nagkomento na talagang pinaghandaan ni Pauline ang muli niyang pagsabak sa naturang national pageant. Ito na ang ikatlong pagkakataong ita-try ng dalaga na makuha ang titulo at korona.

Baka Bet Mo: Bakit napasabi si Miss Universe PH-Charity Pauline Amelinckx ng ‘I’m only human?’

Sabi ng mga pageant fans, mas naging solid ang kanyang laban sa magaganap na coronation night mamaya sa pagkapanalo niya ng 10 sponsor at special awards.

Kaya abangan na lang natin kung ano ang kahihinatnan ng pagrampa ni Pauline tonight – makuha na kaya niya this time ang minimithing Miss Universe Philippines crown?

Bukod kay Pauline, may tatlo pang kandidata na agaw-eksena sa preliminary competition ng pageant matapos tumanggap ng special awards. 

Itinanghal na Miss Pond’s, Miss Aqua Boracay, at Miss Zion Philippines ang Kapuso actress at beauty queen na si Michelle Dee representing Makati City habang apat naman ang naiuwi ni Angelique Manto ng Pampanga – Miss Avon, Miss Okada, Miss Jewelmer, at Miss Cavaso.

Binigyan din ng special award si Jannarie Zarzoso ng Agusan del Norte mula sa Kingston International College matapos makakuha ng highest number of online votes.

Siguradong abangers na ang sambayanang Filipino sa magaganap na grand coronation ng Miss Universe Philippines 2023 mamayang gabi sa Mall of Asia Arena kung saan ipapasa na ni Celeste Cortesi ang kanyang titulo at korona.

Ang mga Kapuso stars namang sina Alden Richards at Xian Lim ang magiging host ng pageant, habang si Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi ang magsisilbing guest host.

Inaasahan ding dadalo sa event si Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel na muling nakabalik sa Pilipinas makakipas ang limang taon.

Related Chika:

Miss Universe PH 2022 candidates Celeste Cortesi, Michelle Dee, Pauline Amelinckx nanguna sa international publications’ list

Read more...