Ibinalita ng aktres at public servant ang kanyang health condition sa pamamagitan ng kanyang Facebook account nitong isang araw.
“Life these past few days…. 2nd day of antibiotics praying that tom i will be better. No voice coughing non stop… colds / fever/ sore throat and my back which i will see a doctor soon… Thank you for all your messages. I appreciate them all,” ang mensahe ni Aiko.
At kaninang umaga ay muling nag-post ang konsehala ng 5th district ng Quezon City na nagpositibo na siya sa COVID.
“Good AM! Apologies to everyone, especially to my constituents in District 5 QC, for I won’t be able to attend to invitations and activities for the next few days.
“I have just tested positive for COVID today, Thursday, May 11, 2023 and is currently self-quarantining at home.
Baka Bet Mo: Aiko: Hindi ako umaasa sa Hollywood, masaya at kuntento naman ako kung anong meron ako dito sa Pinas
“It would be best for me to finish the quarantine period and until I test negative again to make sure that everyone will be safe and will be spared from the virus,” sabi ni Aiko.
Nagpaalala rin ang konsehala sa lahat na mag-ingat pa rin sa paglabas-labas dahil meron pa ring COVID-19.
“Please, everyone, take care of yourselves too. Make sure to wear your masks and to drink vitamins at all times. COVID is still out there.
“We should not risk our health. I encourage everyone to continue to prevent the spread of the virus.
“Thank you and I will see you all when I get better!” sabi pa ni Aiko gamit ang mga hashtag #Councilor, #AikoMelendez at #AksyonAtMalasakit.
Naisip namin na posibleng dahil sa matinding pagod kaya bumagsak ang immune system ng aktres at politiko dahil nga base sa mga larawang ipinost niya ay marami silang nalibot na lugar sa iba-ibang lugar sa Europa.
Anyway, pagaling ka agad Ms. Aiko.
Related Chika:
Rico Blanco proud na ibinandera ang pagmamahal kay Maris Racal