Christian Bables biglang nag-crave ng street food, lumafang ng hotdog, kikiam, fish ball sa UP: ‘Sobrang sarap!’

Christian Bables biglang nag-crave ng street food, lumafang ng hotdog, kikiam fish ball sa UP: 'Sobrang sarap!'

Christian Bables

TUWANG-TUWA ang netizens sa kasimplehan ng “Dirty Linen” star na si Christian Bables.

When he posted a short video on his Instagram recently, marami ang nasimplehan sa food craving ni Christian.

Kasi naman, all he was carving for that night were street foods tulad ng fish ball, kikiam at squid ball.

“After working out, naisipan ko pumunta sa UP at maghanap ng squid balls, kikiam, fishball at hotdog para mabalik ko agad yung nabawas kong timbang mula sa pagwo-workout,” say niya sa kanyang caption.


“Bisitahin niyo si ate dito guys, bukas daw siya hanggat may mga tao pa,” dagdag pa niya patungkol sa aleng nagtitinda ng street food.

“Cravings satisfied. Kain tayo!” say niya after matikman ang pagkain ni ate.

“Nandito ako ngayon sa UP kung saan lahat ay nagdya-jogging, nag-e-exercise samantalang ito ako, naghahanap ako ng kikiam, ng fish ball at squid ball. Saan ba may ganoon dito? Send help, send help,” ang chika ni Christian sa video.

Baka Bet Mo: Christian Bables ‘dream come true’ ang makasama sina Kabayan, Karen, Henry at Bernadette sa ‘TV Patrol’: ‘Pangarap ko lang ito noon…’

“Nakakita ako. Sarap. Ito, hotdog na maraming mayo-ketchup. Craving satisfied. Ang saya dito.

“Hindi ko alam kung saang parte ito ng UP pero dito ako nakaabot. Hindi ko alam kung saang part ng UP ito, eh,” dagdag pa niya.


With his post, ang daming humanga  sa kasimplehan ni Christian. Sa comments nila ay aware sila sa nangyayari sa Max character ng actor sa “Dirty Linen”.

“Dati akala ko talaga walang taong perfect, pero Lord dinagdagan Mo lang ng -ian yung name niya kapangalan Mo na din siya  kidding aside, ang simple na, humple at handsome, magaling pang umarte. God bless you always!”

“Kamusta po yong sugat niyo sa balikat, sa susunod po mag iingat po kayo. Iwasan niyo po si ador please.”

“Naglalakwatsa ka pa Max habang nakay Carlos at Ador si Lala.”

“Sana wala jan si ADOR.”

“Super love ka nmn idol..nagu2m tuloy aku my favorite newz anchor! see u again in tv patrol..future kabayan.”

“MAX SUSUMBUNG KITA KAY LALA abugbug na sya foodtrip kapa haha. Char.”

“Swerte naman ni ate jan ka bumili kaso Hindi yata alam ni ate na artista ka.”

“Mamaya mo muna hanapin yung fish ball or kikiam ,, Si Lala hanapin mo na nabugbog berna na siya charrenng.”

“Naku Max, ganitong madaling araw ko na nabasa whyyy naman.”

“Hellooooo! My goooossshhhh! Crush na crush talaga kita ihhh. Hoping talaga makita kita in person, idol! Payakap huh! Hihi!”

Samantala, sa “Dirty Linen” ay bothered na bothered si Max (Christian) sa pagkawala ni Lala (Jennica Garcia), gayundin si Mila (Janine Gutierrez) at Joel Torre as Abe.

‘Hotdog’ na ang tawag ngayon ng netizens kay Mavy Legaspi dahil sa viral ‘Family Feud’ survey question

Christian Bables imposibleng ma-in love sa bading: My preference ay hindi po same sex…

Read more...