Maja Salvador tipid pa rin sa pagse-share ng detalye sa ‘destination wedding’ nila ni Rambo Nuñez; binansagang ‘Queen of All Networks’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Maja Salvador at Rambo Nunez
TULOY na tuloy na ang kasal ng actress-TV host na si Maja Salvador sa kanyang fiancé na si Rambo Nuñez sa darating na July.
Kuwento ni Maja, tuwing weekend ang inilalaan niya sa pag-aasikaso sa nalalapit na wedding nila ni Rambo na gaganapin sa isang napakagandang lugar.
Sa pakikipagchikahan ng award-winning actress sa ilang members ng entertainment media nitong nagdaang Lunes, May 8, hindi pa rin masyadong nagbigay ng detalye about their wedding.
“Na-share ko naman sa July, yung ibang (details) secret muna. But yun nga, every weekend, iyon yung lilipad-lipad (paalis-alis). May mga kailangang ayusin. Nag-fitting-fitting.
“Siyempre, once ka lang ikakasal, gusto ko maayos,” ang pagbabahagi pa ni Maja pagkatapos ng mediacon para sa bagong sitcom nila ni BossingvVic Sotto sa GMA 7, ang “Open 24/7.”
Kamakailan, kinumpirma ni Rambo na “destination wedding” ang magiging kasal nila ni Maja pero wala siyang sinabi kung sa Pilipinas ba ito o sa ibang bansa.
Tumanggi rin si Maja na banggitin kung sino ang gumawa ng kanyang wedding gown, at ang mga magiging bahagi ng kanilang entourage. Ang kinumpirma niya lang ay ang pagnininong ni Bossing Vic.
Samantala, nabanggit ni Maja na matagal nang inalok sa kanya ang “Open 24/7” kasabay ng pagsasakripisyo niya sa “Eat Bulaga” (nag-resign sa noontime show) para magkaroon ng time sa paghahanda sa kanyang kasal.
“Matagal na ito. In-offer sa akin ito ng M-Zet nu’ng January pa. Pero first quarter pa, ma-check n’yo naman sa Instagram ko lagi ako lumilipad-lipad kung saan saan,” aniya pa.
Hiningan din siya ng reaksyon sa bago niyang title ngayon, ang “Queen of All Networks”, “Siguro thankful lang. Kung meron mang nakakatuwa, at least may freedom na, parang lahat, may collaborations na.
“May networks, like yung ABS and GMA, may mga collaborations na. So, at least magandang advantage din yun sa mga artista na nangangailangan din ng mga trabaho. At the end of the day, nagtutulungan,” lahad pa ni Maja.