Magandang aktres ayaw pinag-uusapan ang lovelife, pero nabuking ng direktor nang magkasabay sa biyahe

NAKIKINIG kami sa tsikahan ng mga kasamahan sa trabaho at celebrities na kasama namin sa isang showbiz event at pinag-uusapan ang magandang aktres na marami raw drama sa buhay.

Ang ilang kausap naming artista ay nakatrabaho na si magandang aktres at mabait naman daw sa set at laging nasa loob lang siya ng kuwarto at standby area at hindi gaanong nakikipagkuwentuhan.

Sabi ng aktor na nakasama na ng aktres, “Okay naman siya kaya lang mas gusto niyang laging kausap ang cellphone niya, walang nakakaalam kung sino kausap niya. Pero pag tatawagin pumupunta naman agad.”

May beteranang aktres na nakatsikahan ng magandang aktres at in passing ay natanong ng una kung may boyfriend na siya at tumingin lang daw ang huli at nag-smile. Pagkatapos noon ay tila iwas na ang magandang aktres sa co-star niya.

Isa lang ang ibig sabihin nito, ayaw ng magandang aktres na pinag-uusapan ang personal niyang buhay pero base naman sa kilalang TV host na nakakuwentuhan minsan ng dalaga ay may boyfriend na siya at hindi lang niya ito inilalabas dahil pribadong tao ang guy at higit sa lahat ayaw nito nang natsitsismis siya.

E, hindi kaya mas lalo siyang pagtsismisan dahil sa sobrang iwas niya tungkol sa kanyang private life?

Baka Bet Mo: Leonardo DiCaprio may dine-date na 19-year-old model, true ba?

Anyway ito pa ang tsika, nakasabay ng isang direktor ang magandang aktres sa isang biyahe at hindi naman sinasadya ay napatingin ang una sa ka-video call ng huli at nakita niya ang kilalang lalaking personalidad.

“Siyempre hindi na ako nagpahalata, diretso na tingin ko at abala kunwari sa mga bitbit ko. Kitang-kita ko, si ____ (kilalang male personality) ang kausap. Siya kaya ‘yung dyowa?” tanong ng direktor sa amin.

Iniisip din namin kung anong konek ng kilalang male personality sa magandang aktres dahil hindi naman ito producer o direktor para sana project ang pinag-uusapan nila ng dalaga, pero wala kaming makitang konek talaga.

Well, at least may mukha na sa isipan namin kung sino ang kausap ni magandang aktres o kung isa man ito sa mga nakakatsikahan niya.

Anyway, naalala tuloy namin ang kuwento ng producer na kinakailangan nilang mag-reshoot ng ilang eksena dahil pabagu-bago ang itsura ng magandang aktres pagdating sa katawan niya, minsan payat, minsan mataba.

“May pinagdadaanan pala,” kaswal na sabi ng producer sa amin.

Related Chika:

Hiwalayang Moira at Jason nahulaan ng netizen: ‘Magbi-break din sila panigurado sa 2022!’

Read more...