Bitoy sa mga vloggers: ‘The first thing any content creator should understand is the meaning of the word CONTENT’

Bitoy sa mga vloggers: 'The first thing any content creator should understand is the meaning of the word CONTENT'

Michael V

MAINIT ngayong pinag-uusapan sa social media ang bagong “hugot” ng Kapuso TV host-comedian na si Michael V tungkol sa mga content creator.

Iba’t iba ang naging reaksyon ng netizens sa makahulugang post ng comedy genius sa kanyang Facebook at Instagram account na obviously ay para sa sandamakmak na content creator ngayon sa YouTube at iba pang platforms.

Mababasa sa kanyang post ang mga katagang, “The first thing any content creator should understand is the meaning of the word: CONTENT.”

In fairness, may tama naman diyan si Bitoy dahil parami pa nang parami ang mga taong pumapasok sa mundo ng vlogging dahil nga sa laki ng kita rito sa pamamagitan ng monetization ng kanilang mga YouTube channels.

Naniniwala kami na ang nais tukuyin ni Michael V sa kanyang FB at IG post ay ang mga content creator na nagiging iresponsable na sa kanilang mga pinaggagagawa at hindi na isinasaalang-alang ang kapakanan ng kanilang mga viewers o subscribers.


Maraming nagbigay ng kanilang opinyon hinggil sa simple ngunit tumatagos na hugot ni Bitoy, kabilang na ang doktor na si Dr. Kilimanguru na sumikat sa vlogging world dahil sa kanyang mga health-related content na super agree sa sinabi ng komedyante.

Comment naman ni Kim Atienza, “Amen brother. It’s not about views. It’s about value.”

Narito ang iba pang reaksyon ng netizens sa viral post ng “Bubble Gang” at “Pepito Manaloto” lead star.

Baka Bet Mo: Lucky contestant sa ‘Wowowin’ hindi agad naniwala kay Bitoy, biglang binabaan ng phone

“Tama yun. Kung anu dapat ang nilalaman. Minsan yung iba may mai post lang kala nila ok na un as a content kahit may masagasaan pa. Self discipline and in respect to oneself and towards the viewers.”

“The real meaning itself. Creating A Content and NOT COPYING!”

“I think they know what it means. The problem is they don’t stop to think whether they should do it.”

“The real problem is what people like to consume. No matter how educational or informative your contents are, if Filipinos prefer to consume garbage, it will not stop. I mean, just look at all the thieves in the government that the Filipino people keep voting for.”

“Filipinos like garbage so much then we wonder why we are still poor.”

“I think it’s the netizens/viewers. We can’t control what other people do. But it’s us netizens have the power to make someone/something viral. Pag walang tumatangkilik wala d[i]n magko-content.”

“I think the fans are the worst, enabling and patronizing these kinds of nonsense contents. Cringy talaga yung pinagkakaabalahan ng oras ng mga Pilipino,” segunda ng isa ring netizen sa saloobin ni Bitoy.


“Should not be just for the likes and views. [It] should be something informative that everyone can learn.”

“And the subscribers also need to be wise in choosing the “creators” they’ll follow.. not because it makes you laugh, means it’s the best for you.. just sayin’..”

“The second thing is for the viewers to understand that every content feeds their mind.”

“Yes, it must have a value, they must learn about the audience, foul language must be filtered, and must consider the viewers especially the kids and the young generation. They should follow guidelines and discipline.”

KZ nagpasabog ng kilig vibes sa birthday message kay TJ: You are the kindest, most loving, and most understanding person…

Liza humingi na ng tawad kina Ogie, Enrique, sa ABS-CBN at sa fans; may mensahe rin sa pumanaw na discoverer

Read more...