HORI7ON nasa South Korea na para sa upcoming debut, pero isang miyembro naiwan?

HORI7ON nasa South Korea na para sa upcoming debut, pero isang miyembro naiwan?

PHOTO: Instagram/@hori7onofficial

NAKARATING na ng South Korea ang Pinoy pop boy group na HORI7ON para sa kaabang-abang nilang official debut.

Pero ang sad news nga lang, may isang miyembro ang naiwan dito sa Pilipinas.

Kinumpirma ‘yan mismo ng grupo sa pamamagitan ng official statement na ibinandera sa kanilang Twitter page.

Ayon sa pahayag, hahabol nalang sa South Korea si Reyster Yton dahil nagkaroon ng isyu ang kanyang visa approval.

“HORI7ON was scheduled to fly to Korea however due to visa approval issues, Reyster was not able to fly together,” sey sa pahayag.

Ani pa, “As soon as Reyster’s visa gets approved, he will be joining the rest of the members for their schedule in Korea. We ask for your kind understanding.”

Baka Bet Mo: Fans ng P-pop group na HORI7ON na-bad trip sa mga security guard at staff ng NAIA: ‘Grabe! Kung makataboy naman kayo!’

Samantala, bago lumipad patungong South Korea ay spotted ang ilang miyembro ng HORI7ON na kasama ang kanilang pamilya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

“1min and 16 secs na kilig para sa inyo [smiling face with hand over mouth emoji] Lilipad na lang lahat lahat may ganitong pang ganap [smiling face with heart eyes emoji],” post ng isang fan.

May nag-tweet din na, “Marcus with his Best Father & Best Kuya in one frame. They’re so endearing together.”

Bukod sa ABS-Cbn, ang HORI7ON ay under rin ng South Korean music label na MLD Entertainment.

Binubuo ito ng pitong miyembro na sina Kim, Vinci, Marcus, Jeromy, Kyler, Reyster, at Winston.

Magugunitang ibinunyag ng music label na nakatakdang mag-debut sa South Korea ang naturang grupo sa darating na Hunyo na kung saan itatampok din sa isang reality show ang pasilip ng kanilang behind-the-scenes.

Read more...