HORI7ON
HINDI nagustuhan ng mga supporters ng global P-pop group na HORI7ON ang umano’y hindi kagandahang pagtrato sa mga miyembro nito ng ilang staff ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Trending sa Twitter ang hashtag na #NAIASecurityCancelled kasabay ng panawagan ng mga “Anchors” (tawag sa mga fans ng HORI7ON) sa pamunuan at personnel ng NAIA na ayusin ang pagtrato sa kanilang mga idolo.
Kahapon ng umaga, April 30, daan-daang fans ng HORI7ON ang dumagsa sa NAIA upang ipakita ang kanilang suporta sa grupo at para makita na rin sa huling pagkakataon ang mga miyembro nito bago lumipad patungong South Korea para sa kanilang bonggang debut doon.
Ilang video ang napanood namin sa Twitter kung saan makikita nga na parang pinipigilan ng ilang security guard at staff na makalapit sina Jeromy Batac, Marcus Cabais, Kyler Chua, Vinci Malizon, Reyster Yton, Kim Ng at Winston Pineda sa kani-kanilang pamilya.
Namagitan na ang Korean staff na kasama ng HORI7ON ngunit tila hindi pa rin napakiusapan ang mga airport security personnel.
May isa pang video kung saan makikita na parang hinila pa ang ilang miyembro ng P-pop group para pumasok na sa loob ng airport.
Baka Bet Mo: Ryan Bang super proud kay Kim at sa HORI7ON; ‘Tag-Dub’ event ng Viu regalo sa Pinoy fans ng mga K-drama
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga tagasuporta ng HORI7ON.
“Kapag ordenaryo na Tao ok Lang na mag tagal Jan sa labas pero pag sikat na bawal na mag tagal sa labas kahit ilang minutes Lang oi ano na security nang naia Sama nang ugali nyo.”
“Sana napapansin niyo NAIA na kahit minsan may mga palpak kayong mga actions especially in treating artists of the country. Sana alam niyo ung mga ginagawa niyo. Be accountable naman sa mga actions na pinapakita niyo.”
“Go!!!!!! IPAKALAT NIYO TO KAHIT SAAN PARA MABIGAY NG JUSTICE YUNG HORI7ON THEY DISRESPECT HORI7ON GRABE PANG RUDENESS GUSTO ATA NILA KALABANIN ANG ANCHORS SORRY BHE MAHIRAP YAN. DONT FORGET THAT ANCHORS LOVE HORI7ON!!”
“Mentor Bae we really big thanks to you kc nakipag Laban ka talaga sa security Para Lang mabigyan ang HORI7ON na makapag paalam sa kanilang family bago pumasok sa loob your the best mentor Bae. BIG HUG SAYO MENTOR BAE.”
“Can we all appreciate mentor bae for always protecting the boys. Saw lot of videos of him today trying to protect the boys from the guards and staffs despite the language barrier. He’s not just a mentor to our boys but also a family and friend to lean on. THANKU MENTOR BAE!”
“Kung makataboy naman tong mga to. panget ugali niyo.”
“I feel sorry for the boys and for their family that they need to experience this kind of treatment from NAIA Securities.”
“Now that Anchors have calmed down from HORI7ON’s departure, may I give a freaking shout out to NAIA guards and staffs for their rudeness? Middle finger up for calling them bading and pangit, for pushing Anchors, for disrespecting their fam and for being rude towards the boys!”
Habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang opisyal na pahayag mula sa NAIA. Hindi pa rin nagbibigay ng official statement ang management ng HORI7ON hinggil sa nangyari.
Asawa ng kilala at mayamang aktres matabang pa rin ang pakikitungo sa ‘matapobreng’ in-laws
Matinding training ng P-pop group na HORI7ON sa Korea gagawing reality show; pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN, MLD trending worldwide