MARAMING fans ang nag-alala sa Unkabogable Star na si Vice Ganda matapos maospital umano kamakailan lang.
Noong April 28 kasi ay may Ibinandera na Instagram Stories ang TV host-actress na nakasuot ng hospital gown at nakahiga sa hospital bed.
Makikita rin na kasama niya ang kanyang partner na si Ion Perez.
Hindi idinetalye ni Vice kung bakit siya bumisita ng ospital, pero tiniyak niya sa fans na wala siyang sakit.
Sinabi pa niya sa isang tweet na okay ang lahat at malusog na malusog siya.
“All clear. All good. Thank you Lord! Tuloy ang rampa!” sey niya kalakip ang hashtag “Healthy si Meme.”
Baka Bet Mo: Dating kaklase ni Vice Ganda sa college nag-sorry sa harap ng madlang pipol: ‘Binu-bully kasi namin siya dati’
All clear. All good. Thank you Lord! Tuloy ang RAMPA! #HealthySiMeme
— jose marie viceral (@vicegandako) April 29, 2023
Libo-libong fans naman ang nagpaabot ng mensahe sa komedyana matapos ang kanyang health update.
Marami ang nagpaalala sa kanya na magpahinga rin muna kahit minsan at unahin ang kanyang kalusugan.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:
“Thank you Lord for making my Meme healthy [folded hands emoji] always take good care of yourself @vicegandako [emojis] nakakadurog ng puso makita kang may sakit [sad face emoji]…Love you!”
“Aww! Thank youuu so much Lord healthy ang mommy namin. Take care always mum! I love you so much!!!”
“Thanks be to God.. we still need you here on earth.. kailangan ko pa ang GV GV mo.. always praying for your health and safety.”
Magugunitang kagagaling lang ni Vice mula sa Canada at United States dahil sa kanyang “VGful” concert.
Nakatakda siyang magkaroon ng isa pang concert na pinamagatang “Your Memejesty Queen VG” na magaganap sa Araneta Coliseum sa darating na Hunyo.
Related Chika:
Heart: Yung rampa ka nang rampa dahil problemado kang umuwi kasi na-max mo na card mo!