BGYO nilinaw na walang kompetisyon sa pagitan ng HORI7ON: ‘Mag-kapamilya po kami’

BGYO nilinaw na walang kompetisyon sa pagitan ng HORI7ON: ‘Mag-kapamilya po kami’

ALL out support ang Pinoy pop boy group na BGYO sa bagong grupo na HORI7ON.

‘Yan ang inihayag ng BGYO sa isang ambush interview nang matanong tungkol sa reaksyon nila sa darating na debut ng bagong grupo na gagawin sa South Korea sa Hunyo.

Ayon pa sa mga miyembro ng BGYO, nakikita nila sa HORI7ON ‘yung mga panahong bata pa sila at nag-uumpisa palang sa music industry.

“We are happy for them kasi pinaghirapan nila lahat ng mga ginawa nila, and it reminded us of the old days when we were teens,” sambit ni Mikki

Aniya pa, “So, supportive kami sa HORI7ON because sobrang bait nila and pinaghirapan po nila ‘yung ginagawa nila.”

Nilinaw naman ni JL na close sila sa bagong grupo at halos pamilya na ang turing nila sa isa’t-isa.

“Normal naman po sigurong maco-compare kami ng fans,” sey niya.

Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Kilalanin ang bagong P-pop girl group na ‘Yara,’ mga dapat abangan ng fans

“But at the end of the day, magka-kapamilya po kami. Nasa iisang network and sobrang okay kami ng HORI7ON. Super close kami,” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, “Kapag nagkikita kami, talagang nagbabatian kami.”

Ang BGYO at HORI7ON ay nasa management ng ABS-CBN, pati na rin ang sister group nila na BINI.

Ang HORI7ON ay under rin ng South Korean music label na MLD Entertainment kaya ang launching ng kanilang grupo ay gaganapin sa Korea.

Ang BGYO ay may limang miyembro na sina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate na nakatakdang ipagdiwang ang second anniversary sa Mayo.

Kilala sila sa mga hit songs na “He’s Into Her,” “Be Us,” at “The Light”.

Habang ang HORI7ON naman ay may pitong miyembro na sina Kim, Vinci, Marcus, Jeromy, Kyler, Reyster, at Winston.

Nailabas na nila ang pre-debut singles na “Dash” at “Salamat.”

Related Chika:

BGYO, BINI matinding hamon ang haharapin sa ‘One Dream’ concert: Tingnan natin kung kakayanin nila!

Read more...