Bandera “One-on-One”: Ai Ai delas Alas

ni Julie B. Gaspar, Bandera Entertainment correspondent


TULOY-TULOY ang happiness ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa sunud-sunod na blessings na natatanggap niya sa kanyang career and personal life. On her personal life, natupad na ang pangarap niya na makapag-aral muli in connection sa possibility na pasukin din niya ang politika gaya ng idolo niyang si Batangas Gov. Vilma Santos.
At sa kanyang showbiz career, nagsimula na ang first team-up nila ng guwapong actor na si Aga Muhlach via a new show with a different kind of format for television na pinamagatang M3 (Malay Mo Ma-develop) na nagsimula na last Saturday.
Last week naman ay tumanggap ulit si Ai Ai for the third time ng award sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation o mas kilala ngayon bilang Box-Office Entertainment Awards bilang Comedy  Box-Office Queen for the second time. And lastly, napili muli sa Metro Manila Film Festival ang entry ng Star Cinema, ang ikatlong installment ng “Ang Tanging Ina.”
Narito ang kabuuan ng one-on-one interview namin kay Ai Ai sa unang araw ng pasok niya sa University of the Philippines National College of Public Administration and Governance (UP-NCPAG) sa Diliman, Quezon City.

BANDERA:  Kumusta ang first day of class mo sa  UP-NCPAG?
AI AI: Okey pa naman kasi start pa lang. Pero excited ako, e. Eto na, eto na ‘yun. Sabi nga nila, mahirap pumasok sa UP, mahirap maka-graduate sa UP. Kaya nga sabi ko, isa ito sa mga dreams ko. Bukod sa maraming blessings, nabigyan ako ng time, ng chance ni Lord na, ‘O, ayan, mag-aral ka sa U.P. ‘Yan man lang, matupad mo.’

B: May kaklase ka ba na taga-showbiz din?
AA: Ako lang ‘yung taga-showbiz sa klase ko.  Lahat ng mga kaklase ko may tinapos.  ‘Yung iba, retired general, nasa Philippine Armed Forces, ‘yung iba nasa Congress.

B: Ano ang kaibahan ng kinuha mong course sa orientation program na kinuha ng mga celebrity na bagong public officials? (Kasabay ni Ai Ai on her first day of school sa UP  ang special seminar naman na ipinagkaloob ng gobyerno para sa mga bagong halal na Kongresista at sa local positions.)
AA: Tinatanong nga raw ako du’n nu’ng ibang artista sa professor nila. E, sabi nu’ng professor, ‘She’s serious.’ Serious daw ako kasi course talaga on public administration ang kinuha ko. Four years talaga ‘yung course. Pero dadahan-dahanin ko muna. Three units muna ang in-enroll ko ngayong semester.

B: Matapos manumpa ni  Presidente Noynoy Aquino (very visible ang appearance ni Ai Ai, big supporter din kasi siya ni P-Noy nu’ng kampanya nito), anong posisyon ang gusto mong ibigay sa iyo sa pamahalaan?
AA: Gusto ko, ano, First Lady niya. Hahahaha!

B: Ano naman ang masasabi mo sa pagkakapanalo mo bilang Comedy Box-Office Queen sa GMMSFI for the second time?

AA: Yun naman ang dati ko pang dream, na maging bida ang mga komedyanteng babae.  So ngayon, natupad na ‘yon at marami pang nagiging bidang babae. So, happy ako.  Happy ako na na-recognize na ang mga babae sa Pilipinas.
Nagpapasalamat din ako sa lahat ng mga nanonood ng pelikula ko. Thank you so much po sa inyong lahat na mga sumusuporta sa pelikulang Pilipino.  At sa Panginoon, sa lahat-lahat ng blessings na binibigay niya sa akin.

B: Isa na namang blessing para sa iyo ang dumating nu’ng i-announce ng 2010 MMFF committee na kasali ang entry ng Star Cinema na “Ang Tanging Ina  3 (Last Na ‘To).” Ano’ng masasabi mo rito?
AA: Oo nga, e. Nakakatuwa kasi may entry ulit ako sa (December) filmfest. Akala ko nga hindi matutuloy. Syempre iba rin ‘yung may movie ka ‘pag Pasko. At ang balita ko, malalaki rin ‘yung ibang pelikula na kasali this year gaya ni Bossing Vic Sotto at ni Sen. Bong Revilla.

B: Paano na ‘yung plano mong magkaroon ng concert tour sa US ngayong December?
AA: Gusto ko nga, e. After November ng (birthday) concert ko, gusto ko dollars (ang kikitain ko)! At saka, oo, hinahanap na ako ng mga fans ko abroad.  ‘Yung mga natitira ko pang fans. Tapos ‘yung concert ko sa Araneta Coliseum on November 19. Wala pa kaming title pero ano ito, pang-birthday pero mas highlighted yung 20th anniversary ko sa showbiz.
Nagbigay na rin ng down payment ‘yung producer ng concert. Sila rin ‘yung nagpo-produce ng concert ni Lea Salonga. At siyempre, magge-guest si Lea sa concert ko,” masayang kwento ni Ai Ai.

B: Sa isang interview kay KC Concepcion nabanggit niya ang pangalan mo sa isa sa mga pinagpipilian na possible replacement kay Kris Aquino sa The Buzz. Natuwa ka ba kay KC?
AA: Nakakatuwa talaga ‘yang si KC. Talagang mahal niya ako. And of course, thankful naman ako sa kanya. Pero syempre, nasa management ‘yan kung sino ang sa tingin nila ang the best na pumalit kay Kris. Mas alam ‘yan ng management.

B: Nagsimula na ang show n’yo ni Aga na M3 sa ABS-CBN last weekend. Sa tingin mo, made-develop talaga sila ni Aga?
AA:    Tingnan natin. Gusto ko nga  magpabuntis sa kanya, e. Hahahaha! Kaya lang hindi na ako pwedeng magbuntis. Nagpa-tummytuck kasi ako.

B: Finally, kumusta naman kayo ng boyfriend mo na taga-Greece?
AA: Ayoko na, and ayaw na rin niya! Hahahaha! Nagkakagulo kasi ngayon sa Greece. Maraming protesta sa kanila. Economy ang problema nila doon. Mas okey pa ang economy  natin. Kaya mas maraming protesta sa kanila. Na-bankrupt ang country nila. Baka ang isunod ko naman sa kanya taga-Peru, o from Portugal, tapos sa Guatemala. Hahahaha!

Bandera, Philippine Entertainment, 070510

Read more...