NA-TRAUMA pala ang isa sa hosts ng I Dare You Season 2 na si Robi Domingo noong grade school siya dahil sa sobrang katabaan.
Dumating daw sa point na ayaw na niyang maglakad dahil masakit ang tuhod niya. Kaya naman ayaw niyang magdasal sa mga chapel dahil sumasakit ang tuhod niya.
“Umabot ako ng mga 150,160 lbs.. Mga 12, 13 years old ako that time. Kaya nagpapayat ako. Nag-diet ako. Oatmeal everyday, basketball, saka takbo. Hanggang sa napasali ako sa baseball team.
“After noon, tuluy-tuloy na ang pagiging fit conscious ko. Hanggang sa na-realize ko na hindi lang pala pang-tsiks ang pagiging fit kundi habang buhay na,” pahayag ni Robi noong makausap namin sa presscon ng I Dare You na nagsimula na last Saturday pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN.
Naikwento ni Robi ang tungkol sa pagpayat niya dahil magiging bahagi rin siya ng The Biggest Loser 2 for 2014 na iho-host nina Iza Calsado at Mateo Guidicelli.
“It’s a different kind of hosting naman. With this one, for Biggest Loser is more of life coaching, plus, ako ‘yung magbibigay ng mga challenges sa kanila,” masaya niyang balita sa amin.
Kabilang ang The Biggest Loser sa tatlong malalaking shows na gagawin ni Robi next year, “Sobrang hoping po ako sa napabalita na tatlo kong shows next year. ‘Yung PBB Season 5, hoping po talaga ako for that one.
The Voice Season 2 and meron pang isa,” lahad niya. Dahil diyan, malaking threat na talaga si Robi kay Luis Manzano in terms of hosting plenty of shows sa Kapamilya network.
“Hindi po, never po. Ako’y isang isda lang po para sa kanya. Malaking isda po talaga si Luis Manzano when it comes to hosting. Kung ako e, trout, siya, shark or whale,” seryosong biro ni Robi.
Definitely, happy si Robi sa nagiging takbo ng career niya sa ABS-CBN for five years. Although, may pagkakataon din daw na umiyak siya noong mawalan ng project sa Kapamilya network.
“Nu’ng tinanggal po ako, sabay. Sabay na araw, ha. ‘Yung MYX at Studio 23 sabay na raw na nawala sa akin. That was the hardest cry na ginawa ko, pang-MMK (Maalaala Mo Kaya) talaga.
E, pagkatapos noon may 6 o’clock class pa ako na Philosophy sa Ateneo. Umiiyak ako sa likod. Grabe talaga sobrang sakit. Kasi imagine, tinatawag kang VJ Robi ng pagkatagal-tagal tapos bigla lang mawawala sa ‘yo, napakasakit,” kwento ni Robi.
( Photo credit to Google )