BIANCA MANALO ayaw nang magkadyowa ng ‘maliit’


PARANG na-trauma si Bianca Manalo sa nangyari sa kanila ni John Prats. Sa presscon kasi ng bago niyang show sa TV 5, ang Positive ay parang asiwa siyang pag-usapan ang nakaraan nila ni John.

When asked about her love life, ito ang sagot ng dalaga, “Masaya po ako. Positive, positive na rin ako sa love life.”
Nang tanungin kung showbiz or non-showbiz ang karelasyon niya ngayon, sinabi ni Bianca na wala ito sa entertainment industry.

So, hindi na niya feel ang showbiz guy for a boyfriend? “Ayoko nang magsalita kasi baka mamaya madapa ako at mapunta ako…pero siyempre as much as possible parang ayoko na kasi noong naghiwalay kami ay medyo na-TV pa, masakit.

Parang tatlong buwan na pinag-usapan. Ang sakit at nakakapagod.” When asked kung ayaw na ba niya sa maliit na guy, ito ang naging tugon ni Bianca, “Ayoko nang magsalita (nang patapos). Eto na naman ako.”

( Photo credit to Google )
Read more...