Ken Chan mas tumaas pa ang respeto sa mga mascot: ‘Grabe! Ang hirap kasi kapag nagtagal, puwede po talaga nilang ikamatay’

Ken Chan mas tumaas pa ang respeto sa mga mascot: 'Grabe! Ang hirap kasi kapag nagtagal, puwede po talaga nilang ikamatay'

Papa Mascot at Ken Chan

MAS tumaas pa ngayon ang respeto at paghanga ng Kapuso actor na si Ken Chan sa mga taong nagtatrabaho at rumaraket bilang mascot.

Ito’y matapos ngang gumanap ang aktor bilang mascot sa bagong obra ni Direk Louie Ignacio na “Papa Mascot” na mapapanood na sa mga sinehan simula sa April 26.

Napanood na namin ang pelikula at in fairness, napakagaling nga ni Ken sa kanyang karakter bilang isang amang nangungulila at nagluluksa matapos imasaker ang pinakamamahal niyang pamilya.

Sabi nga ni Ken sa presscon ng “Papa Mascot” pagkatapos ng premiere night last April 17,  “Ang pinakaunang requirement na hiningi ni Direk Louie sa akin ay yung acting ko na Level 5, yun ang max, e, Level 5.


“Level 4, Level 3, Level 2, Level 1. Kailangan, from Level 5, nandun ako sa gitna ng Level 1 at 2, at hindi na puwedeng lumampas sa Level 2.

“Dahil every eksena talaga, talagang inaalagaan ako ni Direk Louie. Sinasabi niya, ‘Anak, uulitin natin. Kasi, nag-Level 3 ka du’n.’

“So, isa yun sa pinakamahirap! Bilang actor also, ang hirap din po na umarte doon sa Level 1. Isa po yun sa pinakanahirapan ako!

Baka Bet Mo: Ken Chan itinangging pinaparinggan si Rita Daniela, inaming maayos ang kanilang relasyon

“Kasi, ngayon ko na-realize na mas madali palang umarte sa Level 5. Pero para ipakita mo yung tamang emosyon, at nandun ka lang sa Level 1 at Level 2, isa yun sa pinakamahirap gawin po, at tinulungan po ako ni Direk Louie Ignacio na gawin yun,” pahayag pa ng aktor.

Samantala, isa pa sa challenging part ng kanyang role ay ang pagsusuot ng mascot costume, “Grabe, ang init! Actually ano, yung pawis ko po doon, nakita n’yo? Totoong pawis po yun nung paghubad ko sa costume.

“Siguro mga one minute, ganu’n na talaga yung pawis mo. Grabe! Saludo ako sa mga ang trabaho po ay magsuot ng mascot.

“Hindi po biro talaga ang ginagawa nila! At biruin n’yo po, ako isang minuto, dalawang minuto, pagod na pagod na po ako. Hapung-hapo na po ako.

“E sila po, minsan, kalahating oras, kailangan nilang mag-perform at sumasayaw pa. Pampaligaya! Yung mga nagsusuot ng mascot, pag nagtagal, puwede po nilang ikamatay dahil nasu-suffocate sila.

“At may mga pagkakataon na talagang nahahapo talaga sila. At hindi nila puwedeng ipakita yun. Kasi sabi nga ni Direk Louie, ang mascot, kapag tiningnan mo, physically outside, napakasaya!


“Pero inside, hindi mo alam kung ano yung emosyon ng nagtatrabaho, o kung sino yung nagsusuot na yun.

“Hindi mo alam kung malungkot ba sila, pagod ba sila, at ako, naranasan ko yun. I’m just so blessed also na naranasan ko yun, at hindi ganun kadali,” lahad pa ni Ken.

In fairness, ibang-ibang Ken Chan talaga ang mapapanood sa “Papa Mascot” kaya siguradong magugulat ang kanyang mga fans. Maraming rebelasyong ipinakita ang binata sa pelikula.

“Hindi pa po kasi ako puwede nu’n dahil sa bata pa ako nu’n. Pero ngayon, nagkaroon na po ako ng chance nagma-mature na po tayo. Kaakibat du’n yung mga material na ginagawa ko.

“At ngayon po yung best time na makagawa ng isang material katulad ng Papa Mascot, because I think perfect timing, perfect age, para gumawa ng ganitong material, and I’m just so happy na nakagawa po ako,” sey ni Ken Chan.

Kasama rin sa pelikula sina Gabby Eigenmann, Liza Dino, Miles Ocampo, Erin Rose Espiritu, Sue Prado, Tabs Sumulong at JC Parker.

Ken Chan dugyot na dugyot sa ‘Papa Mascot’, hindi naligo habang nasa shooting; pang-best actor ang aktingan

Ken sa bagong adbokaserye: Ipakikita namin ang tunay na pinagdaraanan ng taong may DID

Read more...