Rehistro ng mga bagong motor bibigyan na ng ‘3 years validity’ – LTO

Rehistro ng mga bagong motor bibigyan na ng ‘3 years validity’ – LTO

INQUIRER file photo

INANUNSYO ng Land Transportation Office (LTO) na gagawin nang tatlong taon ang magiging bisa ng rehistro ng mga bagong motorsiklo sa bansa.

Ayon sa pahayag  ng LTO nitong April 23, ito ay alinsunod sa inilabas na Memorandum Circular No. JMT-2023-2395 na nagsasabing ang mga motorsiklo na may makina o “engine displacements” na 200cc pababa ay pinapayagan nang magkaroon ng 3 years validity sa unang rehistro sa LTO.

“Hindi natin nakikita na magkakaroon ng problema sa roadworthiness ng mga motorsiklong may tatlong taong rehistro dahil ang mga ito naman ay bagong sasakyan,” paliwanag ni LTO chief Jay Art Tugade.

Ayon pa kay Tugade, ang bagong kautusan ay bahagi rin ng ginagawa nilang inisyatibo upang mabigyan ng karagdagang kaginhawaan ang publiko pagdating sa mga transaksyon sa ahensya.

“Naniniwala kami sa LTO na ang hakbang na ito ay makakatulong sa maraming drayber na nagpapa-rehistro ng bagong motorsiklo para magamit sa kanilang hanapbuhay o trabaho,” sey ng hepe ng ahensya.

Inaasahan na hindi bababa sa dalawang milyon na mga units ng motor ang makikinabang sa bagong polisiya ng LTO.

Samantala, nilinaw rin ng LTO na ang mga motorsiklo na may makinang 200cc at pababa ay kinakailangan pa ring magparehistro taon-taon pagkatapos ng tatlong taong bisa ng kanilang unang rehistro.

Read more: 

LTO: Driver’s license na mae-expire simula April 24 palalawigin, multa sa ‘late penalty’ ‘di muna sisingilin

Read more...