‘Jealousy’ ng American pop singer na si Sarah Reeves patok na: I’m glad the music is connecting to Filipino fans!

‘Jealousy’ ng American pop singer na si Sarah Reeves patok na: I'm glad the music is connecting to Filipino fans!

PATULOY na nakikilala at sumisikat ang American pop singer na si Sarah Reeves, lalong-lalo na dito sa ating bansa.

Ang bagong single niya kasi na may titulong “Jealousy” ay tila pumapatok sa maraming Pinoy.

Ayon pa nga sa Spotify, ang Pilipinas ay kabilang sa top 10 na mga bansa na may pinakamaraming nakikinig sa nasabing kanta nitong mga nagdaang buwan.

“‘Jealousy’ is performing well in territories outside the United States, particularly in the Philippines where it lands as one of the top 10 countries in Spotify that have heavily streamed her work for the past few months,” saad sa isang pahayag.

Nakarating ang balita mismo kay Sarah at dahil diyan ay lubos niyang pinasasalamatan ang Pinoy fans.

Sinabi niya rin na looking forward siyang bisitahin ang ating bansa.

“I would love to visit the Philippines one day and am so grateful to all my fans there,” sey ng young pop act.

Aniya pa, “I’m glad the music is connecting to Filipino fans. I hope it is appealing to them because it’s bringing hope and inspiration to every person that hears the music.”

Ayon sa singer, ang bagong kanta ay tungkol sa kanyang pag-amin na nais niyang balikan ang kanyang pagkabata na malaya sa pagiging insecure at puno ng kamanghaan.

Para sa kaalaman ng marami, nasa edad 18 pa lamang ang pop artist nang pumirma siya sa kauna-unahan niyang record deal.

Mula niyan, bukod sa mga inilalabas na mga single ay gumagawa at nagsusulat din siya ng mga kanta para sa telebisyon at pelikula.

Ilan na lamang diyan ang soundtrack ng six-part original series ng National Geographic na “Welcome To Earth,” pati na rin ang musikang ginamit sa international trailer ng “Raya and the Last Dragon” ng Disney.

Related Chika:

Hugot ni Jinkee: Bitterness is a poison to your soul, jealousy kills your happiness

Read more...