ISANG dekada mula nang magsimula ito, pinalawig pa ng Misters of Filipinas pageant ang plataporma nito sa pagbubukas ng isang “academy” para sa mga lalaking naghahangad bumandera sa pageants upang tumanggap ng mga pagsasanay at nang maihanda sila sa pagsampa sa entabaldo.
Magkakaroon ng 12 trainees ang “Misters of Filipinas Academy” sa “summer boot camp” para sa unang handog nito ngayong taon, lahat sasailalim sa mabusising programang inilatag upang mapaunlad ang kakayahan, kaalaman at kumpiyansa ng mga kasali, na maghahanda sa kanila hindi lamang para sa mga patimpalak kundi maging para sa pagmomodelo at pag-aartista rin.
Sinabi ni Carlo Morris Galang, pangulo ng pageant organizer na Prime Event Productions Philippines (PEPPS) Foundation Inc., sa isang online interview ng Inquirer, “there will be three sessions per day during the boot camp, each lasting two hours. These sessions will cover a range of topics, including catwalk techniques, grooming, styling, and photoshoots, and will be led by experienced trainers and industry experts.” Magsisimula ang programa sa Mayo, dinagdag niya.
“The selection process for the boot camp includes various factors, including potential, but it is not the sole determining factor. Our focus for this cohort is to prepare all participants holistically, regardless of their previous experience or background. We aim to help each participant develop their skills and confidence, and ultimately become better versions of themselves,” pagpapatuloy pa ni Galang.
Limang trainee ng boot camp ang mapapabilang din sa hanay ng mga kandidato para sa ika-10 Misters of Filipinas pageant sa Setyembre, dinagdag pa niya. “It is important to note that all participants in the Misters of Filipinas competition have to go through a rigorous selection process, and the successful candidates who qualified through the boot camp are not guaranteed to win the competition,” paglilinaw ni Galang.
Bukas ang Misters of Filipinas Academy sa mga lalaking mula 18 hanggang 35 taong gulang. Pumunta sa official Facebook page ng Misters of Filipinas pageant upang makuha ang link para sa online application form. Hanggang Abril 25 tatanggapin ang application.
Sinabi ni Galang na “expected to take care of their own transportation” ang mga mapipili mula sa labas ng Metro Manila, ngunit sagot na ng organisasyon ang halaga ng buong programa. Sinabi pa ng PEPPS na bawat isa sa mga mapipili makatatanggap ng “personalized attention and the best possible preparation to showcase their talents and stand out from the crowd.”
Sinabi niyang sa Mayo 26 malalaman kung sino ang limang trainee sa boot camp na makakasali sa 2023 Misters of Filipinas pageant. “We encourage all participants to take this opportunity to enhance their personal growth, regardless of whether they qualify for the competition or not,” ani Galang.