AMINADO ang mag-asawang Camille Prats at VJ Yambao na hindi naging madali ang pagkakaroon ng “blended family.”
Sa Instagram, ibinandera ni VJ ang masayang dinner date nilang pamilya noong April 22.
At ayon sa kanyang IG post ay hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon na mayroon silang apat na anak ni Camille.
Bungad niya sa caption, “I still can’t believe we have 4 kids!”
Inalala pa ng mister ni Camille ‘yung mga panahon na nag-uumpisa pa lang ang kanilang relasyon at naninibago pa sa kung ano ang meron silang mag-asawa.
“Having a blended family isn’t an easy journey. To be honest, at first, we didn’t know how to navigate it,” sey niya.
Baka Bet Mo: Camille Prats hindi nanakawan ng childhood kahit maagang nag-artista: I really think it’s a blessing
Paliwanag niya, “We had to make a lot of changes first as husband and wife, then as parents.”
Ngunit ang naging gabay daw nilang mag-asawa upang lagpasan ang mga pagsubok sa kanilang pamilya ay ang matinding pananalig at tiwala sa Diyos.
“But what really worked for us was, Camille and I centered our marriage with the foundation of pursuing God, first as individuals, then as a couple,” sambit ni VJ.
Chika pa niya, “The bible became our handbook, our life manual. When we started putting into action the things we learn from the Word, it started changing our ways towards each other that trickled down to how we are now as parents.”
Nabanggit pa ni VJ sa IG post na naniniwala siyang nagsisilbi bilang mabuting modelo para sa mga anak ay ang mga magulang.
Lahad niya, “We strongly believe that if our children see and feel how loving and genuine we are with each other, it’ll influence them to do the same. What we model is what they become.”
“Be intentional, be genuine. fill your homes with nothing but love, kindness, grace and humility,” aniya pa.
Para sa mga hindi pa masyadong aware, si VJ ang ikalawang asawa ni Camille at mayroon silang dalawang anak na sina Nala Camilla at Nolan.
Pero bago ‘yan ay may isang anak si Camille sa unang asawa na si Nathan.
Kung matatandaan, noong September 2011 nang sumakabilang-buhay ang kanyang first husband dahil sa cancer.
Habang si VJ naman ay may isa ring anak mula sa naunang relasyon na si Ice.
Ikinasal sina Camille at VJ noong 2017 sa Batangas.
Related Chika:
Andrea humiling ng blender kay Seth na nagkakahalaga ng P50k