Ruffa Gutierrez excited na sa bagong proyekto: It’s non-political and very wholesome!

Ruffa Gutierrez excited na sa bagong proyekto: It’s non-political and very wholesome!

PHOTO: Instagram/@iloveruffag

MASAYANG ibinandera ng beauty queen-actress na si Ruffa Gutierrez ang pagpirma niya ng kontrata for her new project.

Hindi pa niya ibinunyag ang detalye tungkol dito, pero ayon sa kanya ay wala na itong kinalaman sa pulitika.

Bungad niya sa Instagram caption, “You don’t have to settle for whatever life throws your way. Start being intentional about what you want and the Universe will co-create with you [emojis].”

Dagdag pa niya, “Signed a contract today for a new project. [emojis] Yayyy!! [smiling face with hearts emoji].”

Aniya pa, “Can you guess what it is? Hint: It’s non-political and very wholesome, like me. [emojis] Abangan!!”

Nagpasalamat pa siya dahil isa raw itong biyaya na ibinigay ng Diyos sa kanya.

“Thank you for this amazing blessing, Lord,” lahad sa kanyang IG post.

Baka Bet Mo: Ruffa sa relasyon nila ni Herbert: ‘Only God knows kung magkakatuluyan kami in the future or not’

Tila na-excite naman ang ilang kapwa-celebrities sa naging balita ni Ruffa at nagpaabot ng kani-kanilang pagbati.

Ilan lamang sa mga nag-comment ay sina Sunshine Cruz, Bianca Manalo, ang kapatid niya na si Raymond Gutierrez, ang kanyang sister-in-law na si Sarah Lahbati, at  marami pang iba.

Magugunitang huling bumida si Ruffa sa controversial film ni Darryl Yap na “Martyr or Murderer.”

Ito ang sequel ng 2022 film na “Maid in Malacañang” na tungkol sa pagpatay sa dating senador na si  Benigno “Ninoy” Aquino Jr. noong 1983.

Bukod kay Ruffa, pinagbibidahan din ito nina Cesar Montano, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, Ella Cruz, Jerome Ponce, Giselle Sanchez, at Isko Moreno.

Related Chika:

Beauty queen-actress inaway ang dyowang aktor dahil sa isang fan

Read more...