Kristel Fulgar ‘nagbago’ matapos manirahan sa South Korea: ‘It helped me to be the better version of myself’

Kristel Fulgar ‘nagbago’ matapos manirahan sa South Korea: ‘It helped me to be the better version of myself’

PHOTO: Instagram/@kristelfulgar

MATAPOS mag-aral sa South Korea ng anim na buwan, nakabalik na ulit ng Pilipinas ang actress-vlogger na si Kristel Fulgar.

Ang mga huling araw niya sa South Korea ay ibinandera niya sa kanyang latest YouTube video.

Bukod sa pag-iimpake, mapapanood din na nagkaroon pa siya ng last minute shopping, at hindi pinalampas na makipag-bonding sa kanyang mga malalapit na kaibigan.

Makikita rin na tinapos ng aktres ang kanyang final written and speaking examinations bago pa umuwi ng ating bansa.

Sa bandang kalagitnaan ng video ay unti-unti nang nararamdaman ang pagkalungkot ng aktres.

Gayunpaman, sinabi niya na magagawa na niyang magpahinga at makakabalik na ulit sa normal na buhay.

Baka Bet Mo:  Kristel Fulgar ibinandera ang unang TV guesting sa Korea: I just accepted this project just for fun

“Medyo nararamdaman ko na ‘yung lungkot,” pag-amin ni Kristel.

Ani pa niya, “At least makakapagpahinga na ako, balik na ulit sa medyo chill na buhay. Kailan kaya ako babalik dito?”

Ibinahagi pa niya sa video na marami siyang natutunan sa naging journey niya sa South Korea at dahil daw rito ay nakita niya ang “better version” ng kanyang sarili.

“This trip to Korea has taught me a lot of things,” sey niya.

Patuloy niya, “I got to experience to be at my happiest but didn’t expect to be at my loneliest as well.”

“But then, all of those happenings helped me to meet the better version of myself. As stronger and more independent version of me,” aniya pa ng vlogger.

Bukod sa pag-aaral, naging brand ambassador rin si Kristel sa Korean hair and body care products na “JULYME.”

Nagkaroon din siya ng guesting sa Korean TV show na Korea News Network.

Ang actress-vlogger ay may partnership sa Korean entertainment company na Five Stones Entertainment.

Related Chika:

Kristel Fulgar nag-record ng original Korean song para sa bagong web drama: Dream come true!

Read more...