Sulat mula kay Elisa ng Barangay Manjagao, Surigao City
Dear Sir Greenfield,
1. May boyfriend po ako. Ang problema may kaibigan din akong tomboy at nang magtapat siya sa akin ng pag-ibig ay sinagot ko rin siya. Dalawa na sila sa buhay ko, isang tomboy at isang totoong lalaki kaya medyo naguguluhan ako.
2. Itatanong ko lang sana kung kami na ba ng boyfriend ko kahit hindi ko siya mahal o posible kayang kami ang habambuhay na magsasama ng tomboy na karelasyon ko, kasi mas masaya ako sa kanya kapag kasama ko siya. Sino po ba sa kanilang dalawa ang panghabambuhay kong makakasama?
Umaasa,
Elisa ng Barangay
Manjagao, Surigao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
An
Numerology:
Ang birth date mong 1 ay nagsasabing mabibiktima o iibig ka sa isang tomboy na may birth date na 3, 12, 21 o kaya’y 30, pero hindi siya ang makakatuluyan mo, ganon din naman hindi ang kasalukuyan mong boyfriend ang iyong makakatuluyan, bagkus isang lalaking paparating palamang na nagtataglay ng birth date na 4, 13, 22 o kaya’y 31.
Graphology:
Ang magulo mong lagda, sa umpisa hanggang gitnang bahagi (Illustration 2. arrow 1.), pero naayos at gumanda din sa gitnang bahagi hanggang sa dulong bahagi (illustration 2. at 3.) ang nagsasabing, magugulat ka sa susunod na mangyayari at magaganap sa taon ito, kapwa mawawala ang dalawa mong kasintahan, upang isang lalaking kayumangi ang kulay na medyo balingkinitanan ang pangangatawan ang darating na siyang magiging ikatlong boyfriend mo na mapapangsaw at makakasama mo habambuhay.
Huling payo at paalala:
Elisa ayon sa iyong kapalaran hindi mo makakatuluyan ang syota mong tomboy gayon din ang kaslukuyan mong boyfriend. Tulad ng nasabi na, kapwa sila mawawala sa iyo, upang pagkatapos isang lalaking may initial na J.R. ang darating, ang ikatlong ka-relayong ito ang makakasama mo na sa pagbuo ng isang masaya at panghabambuhay na pamilya na nakatakdang maganap sa taon 2014 sa edad mong 24 pataas.
Ang tibo na ba? (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...