Carmina game na game na nakipag-duet kay Darren, pinuri ng netizens: ‘Maganda rin pala ang boses niya’

Carmina game na game na nakipag-duet kay Darren, pinuri ng netizens: 'Maganda rin pala ang boses niya'

Darren Espanto kasama ang pamilya ni Ria Atayde at ang family ni Cassy Legaspi

PINUSUAN at ni-like ng mga fans ang latest Instagram post ng Kapamilya actor at singer na si Darren Espanto kung saan makikita ang mga  pinaggagawa niya nitong nagdaang Holy Week.

In fairness, talagang sinulit ng binata ang super long weekend nitong unang linggo ng April kasabay ng paggunita ng buong Pilipinas ng Semana Santa 2023.

Makikita sa mga litratong ipinost ni Darren ang bonding moments niya with the family of her rumored girlfriend na si Cassy Legaspi kasama si Wilma Doesnt at ang pamilya nito.


May mga pictures din ang binata kasama si Ria Atayde at mga kapatid nitong sina Gela at Xavi. May photo rin siya with Piolo Pascual.

“About last week,” ang maikling caption  Darren sa kanyang IG photos na karamihan ay kuha sa dagat at sa isang yate.

Sa huli niyang post, isang video ang ibinahagi niya kung mapapanood ang pagdu-duet nila ng nanay ni Cassy na si Carmina Villarroel sa kanilang videoke session.

Sa nasabing video, parehong nakaupo ang young actor-singer at ang Kapuso actress-TV host habang kinakanta ang “Nothing’s Gonna Stop Us Now” ng rock band na Starship na sumikat noong dekada 80.


Naroon din si Cassy na tuwang-tuwang nagtsi-cheer habang nakikipag-duet ang kanyang nanay kay Darren. Sa comments section, sinabi pa ng binata na, “Swipe to the end for a one-of-a-kind duet.”

Pinuri naman ng mga netizens ang boses ni Carmina, hindi raw nila alam na magaling din palang kumanta ang aktres. Anila, nabitin sila sa duet nila ni Darren kaya nag-request sila ng “More pa.”

Hindi pa umaamin sina Cassy at Darren tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon pero ayon sa kanilang mga supporters, naniniwala silang may something na talaga sa pagitan ng dalawa.

Ilang beses na ring nakakasama si Darren sa mga espesyal na okasyon sa pamilya Legaspi at mukhang botong-boto naman sina Carmina at Zoren Legaspi kay Darren para sa kanilang unija hija.

Ayon naman kat Carmina, naniniwala siya na espesyal na nga ang pagkakaibigan ng dalawang youngstars pero she believes daw na hindi pa magdyowa ang mga ito.

Darren: Kami po ni Cassy we are very close, alam namin ang lahat ng tungkol sa isa’t isa…

Maymay may bagong post kasama ang dyowa, netizens napa-‘sana all’

Read more...