Kris Aquino grateful kay Mark Leviste, pangako sa mga Batangueño: Hindi ko na po sya gagambalain para yung FOCUS nya inyong inyo

Kris Aquino grateful kay Mark Leviste, pangako sa mga Batangueño: Hindi ko na po sya gagambalain para yung FOCUS nya inyong inyo

MUKHANG friendzoned na naman ang inabot ng vice governor ng Batangas na si Mark Leviste kay Queen of All Media na si Kris Aquino.

Kahapon, April 15 ay nagbahagi siya ng update ukol sa estado ng kondisyon sa kanyang kalusugan sa kanyang Instagram page.

Marami naman sa mga netizens ang natutuwa dahil kahit papaano ay nakikita nilang mas okay ang kalagayan ni Kris ngayon kaysa sa mga nagdaang buwan.

Labis naman ang pagpapasalamat ng Queen of All Media sa lahat ng mga taong tumutulong, sumusuporta, at nagdarasal para sa mas maayos na lagay ng kanyang kalusugan.

Makikita na isa sa mga nag-iwan ng komento sa post ni Kris ang malapit nitong kaibigan na si Vice Governor Mark Leviste.

Sa kabila ng simpleng komento nito na hugging emoji, yellow heart emoji, at praying hand emoji ay sinagot siya ng ina nina Bimb at Kuya Josh.

Pakiusap ni Kris, “@markleviste please don’t comment anymore even though they were just emojis?”

Aniya, isang malaking blessing ang bise gobernador sa kanya dahil sa pagiging present nito sa mga panahong hirap siya sa pinagdaraanan. Sa katunayan ay marami sa mga larawan na in-upload niya sa video ay kuha ng bise gobernador.

Baka Bet Mo: Kris muling humiling ng dasal para sa kanila ng mga anak: ‘Gusto kong ipakita sa inyo na hindi ako SUMUKO…itinuloy ko ang LABAN’

“You’ve been a blessing to be with me/us every step of the way since my birthday- because you’ve seen the deep bone pain i endure, the hives & bruises that multiply when exposed to the wrong environment, and you worry together w/ bimb, my team, and the rest of my adoptive Houston, OC and LA families when my BP starts rising and hits a triple whammy with the systolic at 150+, the diastolic at 105+, and my heart rate hitting 100, too.

“Your willingness to be here to see me through these difficult tests and nonstop doctors’ appointments has made me even more grateful to have gotten to know the real you better. (A lot of the pics in this video were taken by the vice governor of Batangas who has mastered the art of iPhone photography),” pagbabahagi Kris.

Ngunit kahit na grateful ito at labis na nagpapasalamat sa kanyang pagiging kaibigan na masasandalan at maaasahan, naiintindihan ni Tetay ang trabaho nito bilang public servant.

“Sa mga minamahal ni Vice Gov na mga Batangueño, i have 2 tests left to determine kung kakayanin ko yung mga ipapasubok na bagong gamot sa kin, praying all goes well because KAYO ang boss nya at wala sa job requirement ng VG ang tumulong mag-alaga sa ‘kin,” sey ni Kris.

Chika pa niya, lagi naman daw niyang pinapaalala sa kaibigan ang mga responsibilidad nito sa kanyang constituents na mas mahalaga raw kaysa sa kanya.

“Parati kong pinaaalala sa kay VG Marc (yun yung correct spelling) his responsibilities in Batangas di hamak mas mahalaga kumpara sa ‘kin dahil pinagkatiwalaan nyo sya ng inyong boto.I grew up knowing: public service is a PRIVILEGE & it’s an accepted reality, serving the people whether binoto ka o hindi, that’s more important than any friendship or romantic relationship,” lahad ni Kris.

Dagdag pa niya, “Love teaches you how to be patient; constituents in need of social services are not expected to be, because the mandate they gave is based on RESPECT & TRUST; and for all of us, life is difficult enough.”

Sa huli ay humingi naman ng paumanhin si Kris sa mga taga-Batangas.

“Pasensya na po, kinailangan ko lang po ng masasandalan at hindi nya ko binigo- mga Batangueño, hindi ko na po sya gagambalain para yung FOCUS nya inyong inyo.”

Matatandaang kamakailan lang ay spotted si Kris na namimili sa mga luxury stores sa Amerika kasama ang anak na si Bimb, Michael Leyva, pati na rin ang bise gobernador.

Makikitang binilhan pa si Kris ng mamahaling alahas ngunit mukhang ito na ang huling pagkakataon na magkikita at magkakasama ang dalawa upang mapagtuunan ni Mark ang kanyang mga gampanin sa mga mamamayan ng Batangas.

Related Chika:
Kris Aquino unti-unti nang bumubuti ang kalusugan, hindi na sobrang payat; Mark Leviste naglabas ng ‘ebidensiya’

Kris Aquino nagdiwang ng Easter kasama sina Bimby at Mark Leviste, muling nag-enjoy sa pagsa-shopping

Read more...