Tippy Dos Santos pasado sa 2022 Bar exams, ganap nang abogado

Tippy Dos Santos pasado sa 2022 Bar exam, ganap nang abogado
HINDI mapigilan ni Tippy Dos Santos ang maging emosyonal matapos niyang makita ang pangalan sa listahan ng mga pumasa sa 2022 Bar examinations.

Maging ang kanyang pamilya ay lubos rin ang nararamdamang saya para sa singer dahil nagbunga ang lahat ng paghihirap nito sa pag-aaral.

“For over 28 years now, you have always given us so much pride and happiness, Tippy,” pagbati ng kanyang ina na si Happy Dos Santos.

Aniya, tama raw ang desisyon nito nang piliin nito ang abogasya kaysa sa pag-aaral ng medisina.

“We never doubted you for a moment. We’ve always known you could conquer anything your heart desires. God has always been so good to you. And you return it by being a wonderful person that you are. Tippy, my pride and joy, congratulations! We love you so much!!” pagpapatuloy pa ng kanyang ina.

Baka Bet Mo: Beauty queens na pumasa sa Bar exam lubos ang pasasalamat

Maging ang kanyang asawa na si Miguel Porcuna ay ibinandera sa kanyang Instagram page ang pagka-proud sa bagong achievement ng dalaga.

“Congratulations, my love! No doubt since day one! Nowhere but up, and I am excited for what’s in store for you!” pagbati nito kay Tippy.

Matatandaang sa isang panayam ng singer-actress, hindi raw niya talaga pinangarap ang pumasok sa law school ngunit naisip bigla niyang na-realize na nais niyang sumubok at gumawa ng ibang bagay at ayun ang naging umpisa ng pagpasok niya sa law school.

Graduate si Tippy sa University of the Philippines (UP) College of Law noong nakaraang taon at nakatanggap ng parangal bilang dean’s medalist for academic excellence.

Isa siya sa 3,992 bar examinees na pumasa sa 2022 Bar exams na ginanap last November 2022.

Related Chika:
Tippy Dos Santos natupad na ang pangarap, graduate na sa law school

Read more...