RUFA MAE ‘natuhod’ ang birdie ni MARTIN ESCUDERO sa jacuzzi | Bandera

RUFA MAE ‘natuhod’ ang birdie ni MARTIN ESCUDERO sa jacuzzi

Alex Brosas - October 13, 2013 - 03:00 AM

Ninerbyos pala si Martin Escudero sa jacuzzi scene with sexy comedienne Rufa Mae Quinto. Kasi naman, noon pa niya crush ang hitad.

“Ano ‘yon, eh, isa ‘yan sa mga (crushes ko). ‘Yung mga pelikula niya noon pinanonood ko palagi. Crush ko ‘yong si Peachy kasi mahilig ako sa mga singkit.

May pagka-chinita siya at ‘yun ang weakness ko,” rebelasyon ni Martin sa presscon ng Positive, ang bagong primetime drama series na tumatalakay sa isang guy na merong HIV.

Actually, nanginig sa lamig si Martin sa jacuzzi scene nila ni Rufa Mae, “3 a.m. na, eh. Nakalimutan nila na may hot water ‘yung jacuzzi. Nanginginig na ako pero nu’ng dumating siya medyo mainit na kasi dalawa na kami, eh,” sabi ng actor.

While doing the scene ay kabado rin si Martin, “Ano na lang, kasi medyo kinakabahan siya. Unang beses namin, lalo na unang beses ko na nakaeksena sa ganoon.

Siyempre ako ang lalaki kaya ako dapat ang mag-aalaga,” kuwento pa niya. For her part, inamin ni Rufa Mae na “tinamaan” niya ang pagkalalaki ni Martin while doing the scene, “Awa ng Diyos, natuhod ko ‘yung ano niya. Hindi ko naman sinadya.

Kasi paikot-ikot kami.” “At in fairness kay Martin, ang sabi naman niya, siya na lang ang bahala kasi hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko pa ‘yun na-try na mag-love scene, never pa sa TV!” Rufa Mae added.

Ang Positive ang most daring portrayal ni Martin, “Dito ko ginawa halos lahat ng eksena ko na first time. Nu’ng partner ko si Alex Gonzaga, ano, eh, kahit kissing scenes wala kami noon.

Mapangahas ako dito kaya medyo nahirapan ako.” Four years na palang walang girlfriend itong si Martin. Ang alam namin, ang huli pa niyang nakarelasyon ay si Jennica Garcia na anak ni Jean Garcia.

“Naghahanap paminsan-minsan pero ‘yung tamang babae na kumbaga ‘yung katapat mo pero wala pa, eh. Ano lang ‘yan, oras lang,” sabi niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napanood namin ang first week ng Positive at may potential naman itong mag-hit sa audience. Magaling si Martin bilang isang young executive na nagkaroon ng HIV dahil sa pakikipagtalik sa iba’t ibang babae.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending