DAHIL sa nangyaring insidente kamakailan lang, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na magpapatupad sila ng mas mahigpit na seguridad sa MRT-3.
Ito ay upang maiwasan ang pagtalon o pagkahulog ng mga pasahero sa mga riles nito – maging ito ay sinasadya o hindi sinasadya.
Nitong April 12 lamang ay idineklarang patay ang isang babaeng pasahero matapos mahulog sa mga riles.
Ayon sa report, bandang 11:57 a.m. nang tumalon sa istasyon ng Quezon Avenue ang 73-taong gulang na babae.
Sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na nailigtas kaagad ang pasahero ng bandang 12:54 p.m., ngunit pumanaw rin ito ng bandang 2:20 p.m. habang ginagamot sa ospital.
Ayon kay DOTr Assistant Secretary for Railways at MRT-3 officer-in-charge na si Jorjette Aquino, isa sa mga plano nila ay ang maglagay ng platform screen doors.
Aniya, ito raw ay magsisilbing harang at makakatulong na hindi na maulit ang nangyaring insidente.
Pero habang inaantay pa ang approval nito ay pinagsabihan na nila ang station personnel at kanilang security na bantayan ang mga pasahero ng tren.
“In the meantime, station personnel and the Security Services provided will be instructed to implement strict measures to prevent the passengers from crossing the yellow line/marker in the platforms while the trains have not yet come to a full stop at the stations,” sey ni Aquino.
Read more:
QC pinaigting ang seguridad sa public schools matapos ang insidente ng pananaksak
Pinay teenager na inokray sa ‘luxury’ bag, brand ambassador na ngayon