Lolit Solis sa ‘di pagbanggit ni Gladys sa kanya sa acceptance speech: Hindi isyu ‘yun, ang importante nanalo siya!

Lolit Solis sa ‘di pagbanggit ni Gladys sa kanya sa acceptance speech: Hindi isyu ‘yun, ang importante nanalo siya!

HINDI naman daw affected ang talent manager at kolumnista na si Lolit Solis kahit hindi siya nabanggit ng award-winning actress na si Gladys Reyes sa kanyang acceptance speech.

Sa Instagram post ni Manay Solis, sinagot niya ang mga nagtatanong kung bakit walang special mention sa kanya ang aktres matapos parangalang Best Actress in a Leading Role sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival kamakailan lang.

“Natatawa ako pag tinatanong bakit daw hindi ako nabanggit ni Gladys Reyes sa kanyang speech sa Best Actress, Salve,” panimulang caption ni Solis.

Ayon pa sa talent manager ni Gladys, naiintindihan naman daw niya ang nangyari at wala naman daw isyu sa kanya.

“Siyempre pag ganun pagkakataon, taranta ka na at kung minsan meron mental block. Hindi issue iyon mga maliit na bagay gaya ng ganyan dahil ang importante nanalo si Gladys Reyes na matagal na niyang pangarap,” sey ni Manay Solis.

Kasunod niyan ay lubos niyang pinasalamatan ang pelikulang pinagbidahan ng aktres dahil natupad din nito ang inaasam na panalo.

Saad sa IG post, “Salamat sa Apag na bida si Coco Martin at produced ni Direk Brillante dahil at last napansin ang acting ni Gladys Reyes. Salamat at nanalo siyang Best Actress dahil ito naman talaga ang dream ng bawat artista.”

Hiling ng talent manager na sana ay magtuloy-tuloy ang magagandang proyekto ni Gladys.

“Sana ito na ang start ng mas marami pang magandang project para kay Gladys Reyes. Congratulations, deserving awardee at Best Actress Gladys Reyes,” dagdag niya.

Baka Bet Mo: Payo ni Gladys Reyes sa mga misis: ‘Hindi manghuhula ang mga lalaki kaya sabihin natin kung ano talaga ang gusto natin’

Naganap ang awards night ng Summer MMFF noong April 11 sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City.

Natalo ni Gladys sa Best Actress sina Kylie Padilla ng “Unravel: A Swiss Side Love Story,” at si Bela Padilla na bumida sa “Yung Libro Sa Napanood Ko.”

Ito ang kauna-unahang “Best Actress” award na nakuha ni Gladys sa kanyang buong showbiz career sa kadahilanang panay kontrabida roles ang kanyang ginagampanan.

Taong 2014 nang magwagi siyang “Best Supporting Actress” sa Gawad Urian para sa pelikulang “Magkakabaung.”

Read more...