Bela, Gladys, Kylie bakbakan sa pagka-best actress sa 1st Summer MMFF; Carlo, Enchong, Elijah, Gerald, Romnick, Yoo Ming Gon nominado bilang best actor

Bela, Gladys, Kylie bakbakan sa pagka-best actress sa 1st Summer MMFF; Carlo, Enchong, Elijah, Gerald, Romnick, Yoo Ming Gon nominado bilang best actor

Gladys Reyes, Kylie Padilla at Bela Padilla

PORMAL nang inilabas ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Official ang mga nominado para sa gaganaping Gabi ng Parangal ng 1st Summer Metro Manila Film Festival sa New Frontier Theater mamayang 7 p.m..

Narito ang kumpletong listahan ng mga maglalaban-laban sa iba’t ibang kategorya para sa kauna-unahang Summer MMFF.

Best Actor in a Leading Role

Carlo Aquino – Love You Long Time
Elijah Canlas – About Us But Not About Us
Enchong Dee – Here Comes the Groom
Gerald Anderson – Unravel:  A Swiss Side Love Story
Romnick Sarmenta – About Us But Not About Us
Yoo Ming Gon – ‘Yung Libro sa Napanood Ko

Best Actress in a Leading Role

Bela Padilla – ‘Yung Libro sa Napanuod Ko
Gladys Reyes – Apag
Kylie Padilla – Unravel:  A Swiss Side Love Story


Best Actor in a Supporting Role

Aljur Abrenica – Single Bells
Ariel Rivera – Kahit Maputi na ang Buhok Ko
Keempee de Leon – Here Comes the Groom
Nico Antonio – Here Comes the Groom
Xilhoutte – Here Comes the Groom

Best Actress in a Supporting Role

Ana Abad Santos – Love You Long Time
KaladKaren – Here Comes the Groom
Maris Racal – Here Comes the Groom

Best Screenplay

About Us But Not About Us
Here Comes the Groom
Love You Long Time
Unravel:  A Swiss Side Love Story

Best Cinematography

About Us But Not About Us
Love You Long Time
Unravel:  A Swiss Side Love Story

Best Sound

About Us But Not About Us
Here Comes the Groom
Love You Long Time
Unravel:  A Swiss Side Love Story
Yung Libro sa Napanood Ko

Best Original Themesong

Apag – Paralaya by Andy Alviz

Best Editing

About Us But Not About Us
Here Comes the Groom
Love You Long Time
‘Yung Libro sa Napanuod Ko

Best Musical Score

About Us But Not About Us
Love You Long Time
Unravel:  A Swiss Side Love Story
‘Yung Libro sa Napanuod Ko

Best Production Design

About Us But Not About Us
Here Comes the Groom
Unravel:  A Swiss Side Love Story
‘Yung Libro sa Napanuod Ko

Best Float

About Us But Not About Us
Apag
Here Comes the Groom
Kahit Maputi na ang Buhok Ko
Love You Long Time
Single Bells
Unravel:  A Swiss Side Love Story
‘Yung Libro sa Napanuod Ko.

Baka Bet Mo: Enchong Dee pak na pak ang pagiging transwoman; Kaladkaren hirap na hirap magpakalalaki

Lima sa walong pelikulang kalahok sa 1st Summer MMFF ang may maraming nominasyon base sa mga nagustuhan ng jurors headed by internationally-acclaimed Filipino film, television, and theater actress Ms. Dolly de Leon.

Hindi nominado sa pagka-best actor sina RK Bagatsing para sa “Kahit Maputi na ang Buhok Ko” at Coco Martin ng “Apag” kaya tiyak na malungkot ngayon ang supporters ng dalawang aktor.

Sa kategoryang best actress ay laglag din sina Angeline Quinto at Alex Gonzaga para sa “Single Bells.” Sa best float lang nominado ang pelikula ng dalawa.

Nanghihinayang kami sa “Kahit Maputi na ang Buhok Ko” dahil si Ariel Rivera lang ang lumusot para sa best supporting actor category.  Anong nangyari sa ibang members ng cast?

Gerald maraming pinaiyak sa ending ng ‘Unravel’, Kylie napaluha nang sabihing pang-best actress ang akting

Kylie Padilla nilabanan ang takot at anxiety sa Switzerland: Na-discover ko na mas may itatapang pa pala ako

Read more...