Aso nag-viral matapos pabayaan ng fur parent, inampon ng Caloocan City vet clinic

Aso nag-viral matapos pabayaan ng fur parent, inampon ng Caloocan City vet clinic

MARAMI ang nangamba sa furbaby na si “Blue,” isang male American bully, matapos siyang iwan at pabayaan ng kanyang fur parent sa isang veterinary clinic sa Caloocan City.

Noong April 1, nag-post sa Facebook ang PET 911 Veterinary Clinic and Grooming Salon upang ihayag ang paghingi ng tulong na mahanap ang amo ni Blue na hindi tinupad umano ang obligasyon nito sa alagang hayop.

Ayon sa clinic, apat na buwan na mula nang dalhin sa kanila si Blue upang ipagamot ang sakit nito sa balat at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagpupunta sa kanila.

“Her pet, BLUE, has been with us for almost 4 months already which was left for skin disease treatment since December of 2022,” sey sa FB post.

Kwento pa ng clinic, “She promised to get BLUE last January but we found out that she was on an out of the country visit and told us that she will get Blue in February instead when she comes back. But February came and told us she will visit the clinic in March instead.”

“Up to now she never came for her pet and left financial obligations,” ani pa sa post.

Baka Bet Mo: Alagang aso ni Christian Bables na napulot niya noon sa kalye celebrity dog endorser na ngayon: ‘I never have thought she’s this beautiful’  

Dahil sa nangyari, nagpaalala ang vet clinic na hindi dapat binabalewala ang mga ganitong pangyayari.

Anila, isang krimen at isang uri ng kalupitan ang pagiging pabaya sa mga alagang hayop.

“We don’t tolerate this kind of behavior. It’s a crime to neglect your pets, it is a form of cruelty. They are your responsibility and you have to commit yourself to taking care of your pet,” saad sa caption.

Kinabukasan, April 2, muling nag-post ang clinic sa kanilang FB page para sa update ni Blue.

Sinabi nila na nakipag-ugnayan na sila sa mga awtoridad at kinumpirmang nakausap na rin nila ang fur parent ng American bully.

Bagamat kahit nagkaroon na ng kasunduan ang dalawang panig ay hindi pa rin tumupad sa usapan ang fur parent ni Blue.

Ayon sa clinic, makailang beses na nilang sinubukang kontakin ang may-ari ngunit sila pa ang tinakot nito.

“Clearly, she did not [intend to go back] to get Blue and [settle] her obligations. Instead of explaining and apologizing for breaching a legal agreement, she resorted to threatening our senior veterinarian, putting our clinic in very serious harm,” pahayag ng PET 911.

Anila, “We gave her a chance to redeem herself in the name of fairness and to be a better pet parent to Blue, but it seems like she does not really care at all for the poor fur baby.”

Nakasaad sa legal agreement na pinirmahan ng fur parent na sakaling hindi pa rin matupad ang obligasyon niya kay Blue at hindi mabayaran ang utang na P65,000, ang alagang aso ay automatic na mapupunta sa pangangalaga ng veterinary clinic.

Sa naging interview ng INQUIRER, nanawagan ang isa sa mga may-ari at chief veterinarian ng PET 911 na si Dr. Jenah Lou Catabona sa mga fur parents na dapat bigyan ng tamang pag-aalaga at importansya ang kanilang fur babies.

Sinabi pa ni Catabona na ilang beses na silang nakaranas ng ganitong klase ng kapabayaan mula sa mga fur parents at naniniwala raw siya na ang edukasyon ay mahalaga upang maiwasan na maulit pa ito.

Tiniyak pa ng Pet 911 na si Blue ay mamahalin at aalagaan mabuti ng kanilang staff.

Related Chika:

Sino sa mga sikat na Korean stars ang makakasama nina Marian, Piolo, Bea at Sylvia sa ’empire’ ni Rhea Tan?

Read more...