ITINAAS ang tsunami alert sa tatlong lalawigan sa Bicol at Samar matapos na ito ay yanigin ng 6.6 magnitude na lindol nitong gabi ng Martes.
Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa mga naninirahan malapit sa dalampasigan ng Catanduanes, Northern Samar, at Eastern Samar na lumayo muna sa mga baybayin at tumungo sa mataas na lugar.
Maaaring maranasan ang mga alon na may taas na hindi lalampas sa isang metro at maaaring mas mataas pa sa mga kulong na lugar bays at straits, ayon sa Phivolcs.
Inaasahang hahampas sa mga baybayin ang unang mga alon ng tsunami mula 9:02 ng gabi hanggang 12:54 ng umaga nitong Miyerkulas. Maaring magpatuloy ang mga along ito sa loob ng ilang oras.
Hinimok rin ng ahensya ang mga may bahay na malapit sa baybayin na lumayo sa dagat at maghanap ng mas ligtas na lugar na mas malayo pa sa dalampasigan. Kung mayroong mga bangka sa mga daungan o mababaw na coastal waters sa mga nabanggit na probinsya, dapat umano itong i-secure at ilayo mula sa baybayin.
Ang mga bangkang nasa karagatan naman sa panahon ng tsunamai warning ay kailangang manatili sa malalim na parte ng dagat hanggang sa magbigay ng karagdagang abiso ang Phivolcs.
Sa kasalukuyan, walang naiulat na nasaktan o na pinsala dulot ng lindol.
KAUGNAY NA BALITA
6.6 magnitude na lindol yumanig sa Samar, Bicol