Bb. Pilipinas queens mula sa iba’t ibang dekada nagtipon sa isang entablado

Magkakasama sa entablado ang mga kasalukuyan at dating reyna ng Bb. Pilipinas na sina (mula kaliwa) Roberta Tamondong, Stacey Gabriel, Samantha Bernardo, Jeanette Fernando, Alma Concepcion, Maricarl Tolosa, Nicole Borromeo, Hannah Arnold, Gabrielle Basiano, at Chelsea Fernandez.

Magkakasama sa entablado ang mga kasalukuyan at dating reyna ng Bb. Pilipinas na sina (mula kaliwa) Roberta Tamondong, Stacey Gabriel, Samantha Bernardo, Jeanette Fernando, Alma Concepcion, Maricarl Tolosa, Nicole Borromeo, Hannah Arnold, Gabrielle Basiano, at Chelsea Fernandez./SCREENSHOT FROM BB. PILIPINAS VIDEO

 

NAGSAMA-SAMA ang Binibining Pilipinas titleholders mula sa iba’t ibang dekada sa isang preliminary event ng mga kasalukuyang kandidata, sumampa pa sa entabaldo upang magbahagi ng mahahalagang mensahe, hindi lamang para sa mga kalahok kundi maging para rin sa mga manonood na nagtipon upang panoorin sila.

Kinilala ng reigning Bb. Pilipinas queens na sina Chelsea Fernandez, Gabrielle Basiano, Roberta Tamondong, at Stacey Gabriel ang mga dating reynang dumalo sa Talent Competition noong Marso 29 sa New Frontier Theater sa Araneta City sa Quezon City, at inanyayahan silang magpakita sa mga manonood.

Nandoon upang magpaunlak sina 1993 Bb. Pilipinas Tourism Jeanette Fernando, 1994 Bb. Pilipinas International Alma Concepcion, 2001 Bb. Pilipinas International Maricarl Tolosa, 2020 Bb. Pilipinas Grand International Samantha Bernardo, at 2021 Bb. Pilipinas International Hannah Arnold. “Thank you very much Binibinis, we stand on your shoulders,” sinabi ni Gabriel.

Sinamahan din sila ni Bb. Pilipinas International Nicole Borromeo. “Hindi ako nanalo ng ‘Best in Talent,’ but I feel so honored to be on the other side and judge to see the 28 performers of our batch 2023. My God, performer level over 1,000! I was so impressed, and I’m hoping you guys are so entertained, I can’t wait for coronation,” aniya.

Binati rin sila ni Fernando, at ni Tolosa na hinirang na Best in Talent sa batch niya. Sinabi pa ng huli, “without BPCI (Bb. Pilipinas Charities Inc.) we will not be here. BPCI is the root of all the pageants in the Philippines, from Miss Universe, Miss World, Miss International.”

Kinilala naman nina Concepcion at Arnold ang mga masusugid na tagasubaybay. “This Bb. Pilipinas and the pageant world wouldn’t be in this big magnitude if not for the pageant fans who made the industry even bigger than before. Thanks to all of you,” ani Concepcion.

Ibinahagi naman ni Arnold: “I was secretly watching backstage, and the vibes there were so incredible, I could hear all of you yelling. The girls were so lucky to have your support. And I think all of them deserve Best in Talent and be the JAG Queen also. Congratulations to everyone.”

Makikilala ang mga hihirangin bilang Best in Talent at JAG Queen sa coronation night na itatanghal sa Mayo 28 sa Smart Araneta Coliseum sa Araneta City. Apatnapung Binibinis ang magtatagisan, ngunit hindi pa sinasabi ng BPCI kung ilang korona ang paglalabanan.

Read more...