LIZ UY OA na ang kadramahan, feeling sikat na sikat


Si Liz Uy ba ang tinutukoy sa isang blind item about a stylist na kinaiimbiyernahan ng production staff dahil mas feeling celebrity pa kaysa sa artista na kanyang inaayusan?

We read in one popular website about an entry tungkol sa isang stylist na feeling celebrity. Nang dumating daw kasi ang hitad sa isang shoot ay kaagad daw itong naghubad at nagsuot ng bathing suit at nag-sunbathing.

Siyempre, naloka na lang ang mga taga-production since they thought that all she was there was to assist the celebrity, pagandahin ito at gawing model-ready for the shoot.

But the stylist reportedly relegated her job to her assistants. Ang laki-laki ng bayad sa stylist since she’s very popular now pero mukhang mas inaatupag pa raw nito ang kanyang sariling pagpapaganda at pagpo-project.

Merong mga instances na late pa raw ito dumating sa mga events and her assistants were the ones doing the styling and not her. We could only think of one name when it comes to celebrity styling and this is Liz Uy.

Liz, ikaw nga ba ang na-blind item na ito sa isang website? Masyado na bang lumaki ang ulo mo dahil na-link ka sa male celebrities tulad nina John Lloyd Cruz at Atom Araullo? Feeling celebrity ka na rin ba, Liz?

 ( Photo credit to Google )

Read more...