BARON bantay-sarado sa ITALIAN GF: Para siguradong wala akong dalang alak!

Ipinakilala naman sa amin ang isa sa “celebrity kakampi” ng I Dare You na si Baron Geisler ang kanyang Italian girlfriend na si Isabelle Cantu sa presscon ng nasabing show ng ABS.

Lagi raw kasama ni Baron si Isabelle. Stage girlfriend nga raw niya si Isabelle.  “Pero on a positive level kasi para walang alak sa set sigurado. Binubugbog ako niyan,” pabirong sabi ni Baron.

Sabi naman ni Isabelle, “Yeah, hindi siya talaga pwede (uminom). Even driving me, I don’t like him driving me at all.”
Malaking influence daw si Isabelle sa pagiging Christian muli ni Baron, “Noong na-rehab ako naging Christian na ako.

Then, nag-backslide ako. Bumalik ako with the help of Isabelle.” Nagtatrabaho si Isabelle sa PTV4 bilang news anchor nu’ng makilala siya ni Baron sa loob ng TV network kung saan nagsu-shooting siya that time ng indie film na “Sapi” sa direksyon ni Brillante Mendoza.

Kinilig naman kami sa  reasons kung bakit nagustuhan ni Isabelle si Baron sa kabila ng mga  kinasangkutan nitong scandal.
“He’s very malambing, very sweet, he makes you feel the most beautiful woman in the world,” sey ng dalaga.

May cameo role si Isabelle sa “Sapi” na may premiere night daw sa Nov. 5 ayon kay Baron.

( Photo credit to Google )

Read more...