CLAUDINE kay GRETCHEN: Nababaliw na yata siya! Magsama sila sa kulungan!

Diretsong sinabi ni Claudine Barretto na ang sisteraka niyang si Gretchen ang nasa likod ng pagsasampa ng kasong Theft laban sa kanya ng dating personal assistant named Dessa na five months nang nakakulong ngayon dahil din sa kasong pagnanakaw na isinampa naman ng aktres.

Ayon sa interview kay Claudine, handa siyang harapin ang kaso at hindi siya natatakot sa dating alalay. She told reporters, “Magsama na lang sila ni Gretchen sa kulungan.”

Of course, sad daw si Claudine na nadamay pa ang dati niyang PA sa away nila ni Gretchen. Sey pa niya kay Greta, “Nababaliw na yata siya.”

( Photo credit to Google )

Read more...