LORNA: Ayokong maging politiko! farmer na lang!


GRABE ang challenge para kay Lorna Tolentino ang bago niyang role sa GMA TeleBabad series na Genesis na magsisimula na sa Oct. 14. For the first time, gaganap siyang Pangulo ng Pilipinas.

Makakasama ni LT dito sina Dingdong Dantes, Rhian Ramos, TJ Trinidad at marami pang iba sa direksiyon nina Joyce Bernal at Mark Reyes.

“Sa story, anak ako ng Vice President portrayed by Robert Arevalo. Ang Presidente no’n, si Jackielou Blanco as Ramona Escalabre. And then nalaman ng mga tao na siya pala ang nagpapatay sa tatay ko.

“‘Yung mga tao, ang gusto nila tumakbo ako. At nu’ng tumakbo ako, nanalo ako. Natalo siya,” kuwento ni LT. May ginayahan ba siya sa kanyang role? “Actually lahat ng naging Presidente. Lahat kasi mapi-peg mo, e.

Hindi ‘yong isa lang. Kasi minsan kapag binabasa mo naman ‘yong script, sa script pa lang magkakaroon ka na ng visualization kung paano mo ia-attack.

“Kasi nakikita mo naman sa dialogue pa lang.  Kaya lang, ang hirap dito kasi iyakin akong Presidente. Minsan parang…bakit ako iiyak dito, e, nagsasalita ka lang? Pero kailangang iiyak ka.

“Du’n sa sasabihin ko, naghahanap na lang ako kung sa ako tatamaan do’n sa puso. Para maiyak ako talaga sa eksena,” sey pa ni Lorna.

Ngayong politiko ang role niya sa isang serye, naisip na rin ba niyang pumasok sa politis? “Ay, hindi! Okay na sa akin na kaibigan kong lahat ang mga pulitiko! Ha-hahaha! Pero hindi ako puwedeng maging pulitiko.

“Mas magiging farmer pa ako!” chika pa ng aktres. May farm kasi sa Cavite si LT at dito siya pumupunta kapag free time niya.
Ayaw na rin daw kasing maalala pa ni LT ang naging sad experience niya noong tumakbo sa politika ang yumaong asawa na si Rudy Fernandez.

( Photo credit to Google )

Read more...