Hollywood stars Chris Pine, Michelle Rodriguez mala-’Money Heist’ ang peg sa bagong pelikula

Hollywood stars Chris Pine, Michelle Rodriguez mala-’Money Heist’ ang peg sa bagong pelikula

PHOTO: Courtesy Paramount Pictures International

PALABAS na sa mga lokal na sinehan ang bagong adventure-action film ng bigating Hollywood stars na sina Chris Pine at Michelle Rodriguez.

Ito ang “Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves” na mala-”Money Heist” ang peg ngunit ang kaibahan lang ay hindi pangkaraniwan ang kanilang tatahakin.

Bukod sa dalawa, tampok rin ang ilan pang bigating international stars kagaya nila Regé-Jean Page, Justice Smith, Sophia Lillis, Chloe Coleman, Daisy Head at Hugh Grant.

Ang kwento ng “Dungeons & Dragons” ay iikot sa isang grupo na may magkakaibang talento at kapangyarihan na nagkasundong hanapin at nakawin ang isang importanteng “relic.”

Matinding challenge ang pinagdaanan ng grupo dahil talagang napakalakas at makapangyarihan ang kanilang kalaban.

Hindi lang aksyon ang mapapanood sa pelikula, may kasama rin itong pagpapatawa at istorya ng pag-ibig.

Sa katunayan nga ay nakakuha ang adventure film ng rating na 100% sa American review website na Rotten Tomatoes.

Ang ibig sabihin niyan, aprub na aprub mula sa movie critics ang bagong palabas.

Ang nasabing pelikula ay base sa isang fantasy game na inilabas noong 1974 na may titulong “Hasbro’s Dungeon and Dragons.”

Related Chika:

Pinagmulan ng sikat na sapatos ni Michael Jordan tutuklasin sa upcoming film na ‘AIR’

Read more...